Aug 2, 2007

Raymond Gutierrez voted as best dressed male celebrity

Tuwang-tuwa si Lhar Santiago nang si Raymond Gutierrez ang mag-top sa survey ng Unang Hirit bilang best dressed male celebrity.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sabi sa amin ni Lhar, very stylish talaga ang twin-brother ni Richard.

"Maraming mga kabataan na gusto

ang mga pananamit ni Raymond, kaya nang magpa-survey kami, siya ang nanalo," dagdag ng isa sa hosts ng Unang Hirit.

Tuwang-tuwa si Annabelle Rama nang malamang si Raymond ang nanalo sa pa-survey na ‘yon.

Ayon sa GMA 7 management, si Raymond ang "most promising young TV host" kaya hindi lang ang S.O.P. Rules ang kanyang hosting job sa network.

Isa rin siya sa hosts ng Showbiz Central at main host siya ng Livin’ It Up sa QTV 11.

Abala rin ngayon si Raymond sa RRRampa for a Cause nila ng mga kapatid na sina Ruffa at Richard na gaganapin sa Rockwell Tent sa Setyembre 16.

Isang fundraising event ito na ang layunin ay makatulong sa ilang charitable organizations.
Jun Lalin
Abante-Tonite

No comments: