Aug 2, 2007

Advertisers worried with Angel Locsin's controversy

Pati pala advertisers ng mga produktong ineendorso ni Angel Locsin ay naapektuhan sa aksyon ng kampo ng dalaga.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nakarating na sa kanilang atensyon ang negative effect ng intrigang kinakaharap ng dalaga sa paraan ng pag-alis nito sa istasyong nagbigay rito ng kasikatang tinatamasa nito ngayon.

Ayon sa nakuha naming impormasyon,

nag-ga-gather ng facts ang isang kumpanya ng produktong ineendorso ng aktres kaugnay sa isyu.

Sa palagay namin, dapat ay ang public opinion ang alamin nila para malaman nila kung apektado nga ang kanilang produkto.

How true na may mga commercials na raw na tinanggal sa ere kung saan si Angel ang nag-eendorso?

Sabi ng isang mahadera, "Madali naman iyan. Mag-shoot sila ng bagong artistang mag-eendorso."
Joe Barrameda
Abante-Tonite

No comments: