Aug 1, 2007

Richard and Ruffa for charity

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
MAGSASANIB-PUWERSA ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez sa isang makabuluhang proyekto na R & R Rampa bilang tulong sa mga nangangailangan.

Ayaw pang magbigay ng detalye ng magkapatid sa proyekto nilang ito, basta for charity ang objective nila.

Nakagawa na si Ruffa noon

ng mga charitable projects tulad at kinuha niya ang panggastos noon sa ginawa niyang public auction ng kanyang mga gowns at ng mga friends niyang celebrities.

Si Richard ay meron ding civic projects na pansarili at nabenepisyuhan minsan ang mga out of school youth sa Boys Town. Just recently, siya ang ginawang spokesperson ng Green Peace movement, tungkol sa pagtitipid ng energy at iba pang bagay na may kinalaman sa environment.

Kaya naman sa pagsasama ng sikat na magkapatid sa isang worthwhile project, tiyak na ang pagtangkilik ng publiko, lalo na nga’t meron din silang hukbo ng tagasuporta, huh!
Jun Nardo
Abante

1 comment:

Anonymous said...

what they really is-- THEY ARE THE CHARITY!!!!

of course, they mean business!