Aug 2, 2007

Is Ai-ai threatened with Angel?

NAKAKALOKA ang sitwasyon sa showbiz ngayon, dahil halos lahat ng sikat na artista ay pinagduduhan na lalayas na rin sa kani-kanilang mother studio.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ito nga ang epekto ng ginawa ni Angel Locsin na paglayas sa GMA, at paglipat sa ABS-CBN.

Si Judy Ann Santos nga ang unang pinagdudahan na lalayas naman sa ABS, at lilipat sa GMA. Pero sagot nga ni Juday, ang manager niyang si Alfie Lorenzo ang nagdedesisyon sa kanyang showbiz career, kaya wala siyang alam sa bagay na `yon.

Pero, sa kasalukuyan, tila malabo na mangyari na iwanan ni Juday ang Dos, dahil heto nga at ipinalalabas pa ang soap opera nila ni Ryan Agoncillo, ang Ysabella.

Si Ai Ai delas Alas man ay sabi-sabing babalik na sa Siyete. Sabi nga, hindi na masaya si Ai Ai sa Dos.

Pero, nasurpresa ang komedyana

sa kuwentong `yon. Sabi niya, kahit kanino ay hindi siya nag-dialogue na gusto na niyang layasan ang Dos.

"Wala naman akong sinasabihan na aalis na ako sa Dos. Ang natatandaan ko lang na sinabi ko, kung may magandang offer ang GMA sa akin, ang manager kong si Boy Abunda pa rin ang masusunod kung ano ang dapat gawin.

"Siyempre, kailangan munang pag-usapan `yon. Hindi naman porke may offer sa akin ang Siyete, for example, agad-agad na kaming susunggab.

"Dapat isang seryosong usapan ang mangyari bago magdesisyon. Pero, wala namang offer ang Siyete ngayon," esplika ni Ai Ai.

Hindi itinanggi ni Ai Ai na noon ay inalok sa kanya ng Siyete ang Bakekang, pero hindi `yon natuloy, dahil hindi siya pinayagan ng Dos, at ng manager niya.

"Siguro talagang hindi para sa akin ‘yung project."

Ano naman ang masasabi ni Ai Ai sa paglipat ni Angel Locsin sa Dos?

"Okey lang naman ‘yun. Wala namang makakapigil kung talagang nakatakdang lumipat sa ABS si Angel. Hindi naman namin puwedeng diktahan kung ano ang gusto ng mga big boss namin.

"Ang wish ko lang, sana hindi maapektuhan ‘yung ibang mga talents ng network. ‘Yun bang kung ano ang nakaplano para sa ibang talents ng ABS CBN ngayon, magtuluy-tuloy lang `yon, kahit may bagong nadagdag na magiging Kapamilya. I mean, sana walang masagasaan," seryosong sabi ni Ai Ai.
Rey Pumaloy
Abante

No comments: