Jul 25, 2007

Erik, ’di naniniwala sa romansang Billy-Rufa Mae

“Yes, finally, after two years,” ang sagot ni Lani Mercado nang tanungin ng yours truly sa birthday party ni Cristy Fermin kung talagang bating-bati na sila ni Rosanna Roces. Kaya pala ganu’n na lang ang ngiti ni Sen. Bong Revilla nang gabing yon.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mabuti naman kung ganu’n. After all, sila ang lolo at lola ng first apo ni Osang.

Kung sabagay, mukha namang unti-unti nang nakikipag-peace si Osang sa halos lahat ng nakakasamaang-loob nito. Susunod na kaya sina La Lolita Solis at Dra. Vicki Belo? Abangan!

Sa nasabing birthday party ay naka-table namin sina Erik Santos at Vina Morales. Ani Vina, going strong pa rin ang lovelife niya. Eh, itong si Erik, naniniwala ba siya na syota na ni Billy Crawford ang ex niyang si Rufa Mae Quinto?

“Hindi po,” ang tipong sure na sure na sey nito.

May communication pa rin naman daw sila ni RMQ. Pero, may ginagawa ba naman siya para magkabalikan sila?

“Meron naman po, Tita, pero sa amin na lang po ’yon,” sagot ng damuho. “Naku, eh, ikaw naman daw kasi, may biological clock nga naman ang mga babae, pero ikaw ang hindi pa ready for a commitment,” answer ng yours truly. “Oo nga po, Tita, eh,” pag-amin niya.

Well, for people like Erik, siguro nga love can wait. But for how long?
Mercy Lejarde
People's Tonight

No comments: