Pang-iisnab sa bold genre, pinangangatawanan ng Star Cinema
FOURTEEN years na palang namamayagpag sa paggawa ng magagandang pelikula ang kumpanyang tinaguriang The Home of Wholesome Entertainment, ang Star Cinema.
Sa loob ng labing-apat na taon, kahit sa mga panahong tumatabo sa takilya ang mga bold movie, never na gumawa ng ganu’ng uri ng panoorin ang SC. Hindi sila naging sakit ng ulo ng MTRCB. Pinanindigan nila
ang pagiging wholesome, at walang sinumang bold star, sumikat man o hindi, ang makakapag-claim na sila’y produkto ng Star Cinema.
Kumpara sa ibang movie outfits, sa loob lamang ng mahigit isang dekada, nakalikha agad ng malalaking bituin ang SC, kaagapay siyempre ang ABS-CBN.
Kabilang sa kanilang listahan ang mga sumusunod, Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Claudine Barretto, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Diether Ocampo, Heart Evangelista, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Ryan Agoncillo, Toni Gonzaga, Luis Manzano, Angelica Panganiban at Sam Milby.
Sa hanay ng mga nabanggit, nakabuo rin ang SC ng mga sikat at bankable loveteams. Alam na natin lahat ang mga parehang ito upang isa-isahin pa.
At kung may loveteams, hindi nalalayong magkaroon din ng love triangle. Ito marahil ang nasa isipan ng SC na, sa kanilang pagdiriwang ng 14th anniversary next month, nais nilang handugan ng magandang panoorin ang moviegoers, tampok ang love triangle nina Maricel Soriano, Aga Muhlach at Angelica Panganiban.
Ang Maryo J. delos Reyes-megger na A Love Story.
First time na magkakasama ang tatlong bituin at first project din ni Maryo sa SC.
* * *
Sa paanyaya mismo ni Direk Cesar Evangelista Buendia, muli naming napanood ang special screening ng Idol, Pag-asa ng Bayan, na umaani ngayon ng papuri hindi lang mula sa mga kritiko, kundi mula sa mga taga- simbahan dahil sa matapang na paglalahad ng seryosong istorya tungkol sa honesty, honor and integrity.
Una naming napanood ang Idol sa Ateneo Theater a few months ago, pinahanga agad kami sa mahusay na pagkakaganap ng dalawang main characters, sina Cedric Jose at Meila Romero.
Ginagampanan ni Cedric ang isang 4th year high school student, who is a candidate for valedictorian. In real life, he is a high school valedictorian from Colegio de Santa Rosa High School in Laguna.
First time ni Meila to act for film, pero kilala na siya bilang super actress sa theater circuit.
Produkto si Meila ng UP Theater Arts after graduating from the National High School for Arts in Makiling.
Natangay pa rin kami ng acting nina Cedric at Meila nang mapanood uli namin ang pelikula sa Cinema 10 ng Mall of Asia nu’ng isang araw.
Ernie Enrile
People's Tonight
No comments:
Post a Comment