Jul 20, 2007

Rufa Mae ipinagpalit si Eric kay Billy Crawford

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
TAHIMIK ang kampo ni Erik Santos sa totoong dahilan ng break-up nila ni Rufa Mae Quinto. Wala raw third party involved. Basta kinailangan lang daw nilang maghiwalay.

Pero may nasagap kaming balita na isang singer din ang totoong dahilan ng break-up. Mas sikat kay Erik at talagang pang-international ang caliber -- and he is Billy Crawford.

According to my source, isang buwan nang mag-on sina Rufa Mae at Billy. Hindi lang kami sure kung ka-on na ng sexy actress si Billy nung time na nagkakalabuan na sila ni Erik. Pero hindi naman siguro.

Madalas nakikitang magkasama ang dalawa ngayon sa mga gimikan at panonood ng sine. Isang source din ang nagkuwento sa amin na madalas kasama sa lakaran sina Rustom Padilla, Ara Mina, Wendell Ramos para hindi maging obvious ang kanilang relasyon.

Billy is 25 years old kung hindi kami nagkakamali at si Rufa Mae naman ay 28. Nagkasama ang dalawa noon sa That’s Entertainment. Sinong mag-aakala na magiging sila pala ngayon?

Ano kaya ang magiging reaksyon dito ni Erik? O baka naman alam na niya ang tungkol kina Rufa Mae at Billy kaya hindi na niya talaga pinilit ayusin ang kanilang naging problema.
Leo M. Bukas
People's Taliba

No comments: