Sep 17, 2007

Two Wowowee executives gone because of 'Wilyonaryo'?

Nasa press launch kami ng pelikulang I’ve Fallen For You ng Star Cinema kahapon, Lu­nes sa 9501 Restau­rant nang marinig na­ming pi­nag-uusapan ang pag­ri-resign daw ng dala­wang executive ng programang Wowo­wee.

Ang mga nabanggit ay ang executive producer at program unit manager ng show dahil may kinalaman daw sila sa nangyaring isyu sa larong Wilyonaryo na naging dahilan kung bakit binatikos na naman ang program host na si Willie Revillame.

Nakuwento na ito sa amin noon pa na may mga staff daw ng programa ang matsutsugi dahil nga sila raw ay may alam at hindi si Willie, pero ang isa pang bersyon na naka­rating sa amin ay may basbas naman daw ang actor/host.

At dahil dumaan naman sa due process ang nasabing imbestigasyon at ang dalawang executive nga ang nawala, e, di iisa lang ang ibig sabihin, sila ang may kasalanan o pina­tanggal sila?

Anyway, bukas ang pahinang ito sa dala­wang ehekutibong natanggal para malaman ang tunay na dahilan.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon

No comments: