Sep 17, 2007

Juday at Sharon, nag-duet sa album

Sunud-sunod ang labas ng TVC ng ba­gong endorsement ni Judy Ann Santos at ang pinaka-latest ay ang TVC ng Selecta Ice Cream. Ito ‘yung con­troversial endorsement na nasulat namin dahil pinalitan niya ang former loveteam na si Piolo Pascual.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi na ni-renew ang kontrata ni Piolo sa rasong hindi namin alam at si udy Ann nga ang ipinalit sa kanya. Na­alala naming may ver­sion ang TVC ng Selecta ng actor, ka­sama ang kanyang ina. Mangyari kaya ito kina Judy Ann at Mom­my Carol?

Marami na ang excited magkaroon ng album ni Judy Ann under Star Records entitled “Musika ng Buhay Ko: A 20th Anthology of the Music of the Modern Day Superstar.” Bukod sa duet nila ni Sharon Cuneta ng “From Both Sides Now,” solong kinanta ng actress ang “Ikaw Lang” (Chad Borja original), “Thank You,” at theme song ng Ysabella (original ni Aiza Seguerra).
NITZ MIRALLES
Pilipino Star Ngayon

No comments: