Sep 20, 2007

SC’ writer, namuro kay Pia!

BINIGYANG-RASON ng isang source ang napabalitang pagtalak ni Pia Guanio sa isang writer ng Showbiz Central.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayon dito, ’di tumalak si Pia although matagal nang namumuro ang writer dahil ilang ulit nang nambabastos habang nasa ere.

May “K” daw na mapika si Pia dahil bilang staff ng show, SOP nang irespeto nito ang hosts.

Kaso raw, tila hindi na natagalan ng GF ni Vic Sotto ang pag-a-attitude ng writer.

Pa’no ba naman, si Pia na nga raw ang gumawa ng paraan para ma-phone-patch si Joey de Leon sa SC nu’ng Linggo, tapos, after two questions, inuutusan na itong putulin ang interview.

Nang ’di makuha ang gusto, nagdabog pa ang writer at binalibag ang hawak na idiot board.

’Yun daw ang istorya, kaya na-award (read: napagalitan) ang writer ng GMA-7 boss.
People's Tonight

No comments: