Sep 20, 2007

Manilyn Reynes 25 years in showbiz and counting

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
TWENTY-FIVE years na pala sa showbiz si Manilyn Reynes, ’no?

Parang kailan lang nu’ng ilunsad siya to stardom ng Regal matriarch na si Lily Monteverde, kasama ang mga kaibigang sina Sheryl Cruz at Tina Paner.

If we’re not mistaken, bagets na bagets nagsimula si Mane and in fact, pinatungtong pa ni Mader sa kahon ng mansanas bago pinakanta.

Actually, una siyang nakilala as a singer bago naging artista. Pero, matagal na ring hindi napapanood sa concert ang noo’y tinaguriang “Star of the New Decade.”

Gaya ng ibang celebrity na nag-asawa, na-sideline ang showbiz career ni Mane nang magpakasal sa fellow That’s Entertainment regular na si Aljon Jimenez.

Today, 11 years married na ang dalawa at may dalawang anak — sina Kyle at Kirk.

Awa ng Diyos, masaya naman ang buhay-may-asawa ng singer-actress.

For her 25th year sa showbiz, babalikan ni Mane ang first love niya: Concert performing, via the anniversary show, Manilyn Live @ 25. Siguradong big treat ito sa avid followers ng singer-actress dahil makakasama niya bilang special guests ang tatlong lalaking minsan ding na-link sa kanya: Janno Gibbs, Ogie Alcasid at Keempee de Leon.

Bukod dito, kakantahin ni Mane ang lahat ng signature songs niya, mula sa Feel na Feel at Mr. Disco hanggang sa Sayang na Sayang.

Produced by Four Heads Productions, ang Manilyn Live @ 25 ay gaganapin sa Aliw Theater sa October 27.

Available na ang tickets sa lahat ng Ticketnet outlets.
People's Tonight

No comments: