Sep 21, 2007

Roxanne: `Di pa kami break ni Jake

FRESH ang aura ngayon ni Roxanne Guinoo. Hindi na siya mukhang ngarag at laging inaantok, unlike nu’ng nakikita namin siya sa Wowowee na naghahabol lagi ng tulog ang dalaga.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Bahagi si Roxanne ng Lastikman kung saan kasama rin niya ang boyfriend na si Jake Cuenca. Speaking of her lovelife, smooth-sailing ang relasyon nila ni Jake kung ating titingnan. Wala namang nali-link na ibang girlash kay Jake at gayundin
naman kay Roxanne, di ba?

Pero, ilang beses na rin silang inintrigang may gap dahil hindi raw type ang dalaga ng parents ni Jake. And how true na pinaghihiwalay sila ng mga magulang ng binata? At kulang daw sa oras sa isa’t isa ang dalawa kung kaya madalas silang nagkakatampuhan?

Lahat ng ito ay pinabulaanan ni Roxanne. Hindi raw totoong may gap sila ni Jake.

“Lalong hindi totoong break na kami. Masaya po kami ngayon.” sambit ng dalaga.

Kung ganun, halatang paninira lang ang lahat kina Jake at Roxanne. Malamang ay may naiinggit lang sa dalawang ito dahil na-survive nila ang mga intriga sa kanila.

Pwes, ‘pag may naiinggit, eh, ‘di lalong inggitin! Nakalolokah ang mga taong ganyan. ‘Wag po tayong mainggit, baka magkasakit tayo niyan, sige kayo.
Chan-Chan Torres
People's Taliba

No comments: