Sep 20, 2007

Kris at Aljur, mag-on!

NANGINGIMING aminin nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na mag-on na ulit sila ngayon, matapos ang kanilang tampuhan noon.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Aljur daw kasi ang naging shoulder-to-cry-on ni Kris noong matapos ang relasyon nila ni Mart Escudero. Napunta
nga si Mart kay Jennica Garcia ngayon.

Bagamat ayaw pang aminin ng dalawa na mag-on na sila, kitang-kita sa mga kilos nila ang kanilang relasyon.

"Bakit ayaw ninyong maniwala sa akin? Ha! Ha! Ha! Ha!" nakatawang sabi ni Kris.

"Starting to be friends ulit kami ni Aljur. Totoo ‘yon. Masyado namang mabilis na mag-boyfriend ulit ako. Hinay-hinay muna, ‘di ba? Baka sabihin nila na ang bilis kong magkaroon ng boyfriend."

Tinanong namin si Kris kung totoo ba na kaya naging cold sa kanya si Mart ay dahil nakipag-date siya kay PJ Valerio noon? Hindi raw nagustuhan ni Mart na nakikipag-date pa sa iba si Kris, eh may relasyon na sila?

"Gusto kong linawin ‘yan. Noong lumabas kami ni PJ, may problema na kami ni Mart. Mas nauna siyang naging cold sa akin, even before humingi ng date si PJ sa akin. Naaawa ako kay PJ kasi siya ang tinuturong may kasalanan kung bakit kami nagkaroon ng tampuhan ni Mart.

"Walang kinalaman si PJ. In fact, after noong lumabas kami ni PJ, hindi na nasundan iyon. Ni wala ngang communication."

Sinabi rin ni Kris na wala silang problema ni Jennica sa set ng Boys Nxt Door. Para raw silang sisters sa set.

"Mabait si Jennica at hindi ako dapat magalit sa kanya. Para sa amin wala iyon. Ni hindi nga namin pinag-uusapan si Mart kapag nagkukuwentuhan kami. We’re okay and we’re good friends talaga."

Anyway, magkasamang magkatambal sina Kris at Aljur sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan.
Ruel Mendoza
Abante

No comments: