Shows ng Dos, tinanggal sa YouTube!
SA fans ni Judy Ann Santos namin unang narinig na hindi na nila puwedeng panoorin sa YouTube sa Internet ang Ysabella.
Nagrereklamo sila’t nagtataka kung ano ba ang nangyari’t tinanggal yata ng ABS-CBN ang kanilang mga programa sa nasabing website?
Ito pa naman ang ginagawa nilang extension ng kanilang TV dahil kapag may mga oras na hindi nila napapanood ang nasabing teleserye, punta lang sila sa website at mapapanood na nila.
Hindi nga lang Ysabella ang hindi na puwedeng mapanood sa YouTube, kundi lahat ng shows ng ABS-CBN.
Sinubukan naming tingnan kung totoo ang reklamo ng fans and we found out na true nga.
May naka-post na titles ng episodes ng Ysabella, pero kapag tiningnan mo, may message na lalabas kung saan ay nakasaad na “this video is no longer available due to a copyright claim by ABS-CBN Interactive”.
Ang ABS-CBN Interactive ang official website ng nasabing network. Kaya lang, wala namang naka-post na episodes ng mga programa nila roon.
Sinubukan din naming tingnan ang Wowowee episodes, partikular na ang controversial Wilyonaryo segment, pero hindi na rin ito puwedeng mapanood.
We wonder, may kinalaman kaya ang nasabing insidente kung bakit hindi na puwedeng mag-post ng ABS-CBN shows sa said website?
Matatandaang naka-post sa YouTube ang video ng Wilyonaryo segment na lumikha ng napakalaking kontrobersiya at naging national issue pa.
Ito ang paulit-ulit na pinapanood ng mga tao kaya naging aware ang lahat sa naganap na insidente, kung saan ay aksidenteng nakita na dalawa ang numero sa kahon.
Sa YouTube rin napanood ni Joey de Leon ang video at ng milyun-milyong tao sa Internet, dahilan para umakyat ito sa top 10 ng Most Viewed category.
Anyway, nakarating na sa Ysabella production people ang reklamo ng fans ni Juday at sisikapin na i-discuss ito with management sa mga susunod na araw.
Vinia Vivar
People's Tonight
No comments:
Post a Comment