Aug 13, 2007

Yilmaz, nagpatingin sa psychologist

Ipinalabas kahapon sa The Buzz ang interview sa estranged couple na sina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Biglaan ang interbyung ‘yon ni Boy Abunda kina Ruffa at Yilmaz.

Nakiusap lang si Nancy Yabut (executive producer ng The Buzz) na pagbigyan sila ni Ruffa.

"Depende. Kung gusto ni Yilmaz. Kakausapin ko pa muna," ang sagot ni Ruffa nang iparating namin sa kanya ang kahilingan ng mga taga-The Buzz.

Pumayag si Yilmaz, kaya bago maghahatinggabi noong Sabado ay nainterbyu sila ni

Boy sa isang fine dining restaurant sa The Fort Global City.

Pinag-usapan nila ang mga naging problema nila. Nagkaayos silang dalawa.

Pumayag si Yilmaz na pumunta ito sa isang clinical psychologist (kagabi ‘yon).

Pagkatapos ipalabas ang interbyung ‘yon kina Ruffa at Yilmaz ay inusisa namin si Ruffa kung nagkabalikan na silang dalawa.

"Masyadong mabilis. Hindi pa. We’re still talking. Marami pa kaming inaayos. Hindi pa namin napag-uusapan ‘yan. One step at a time.

"Basta, masaya ako na naayos na kami. Masaya ako na pumayag si Yilmaz na pumunta mamaya sa isang clinical psychologist. The same person na pinuntahan ko noon," sabi niya.

Ayaw ring mag-isip ni Ruffa kung ano ba ang puwedeng mangyari sa kanila ngayon ni Yilmaz. Basta masaya raw siyang nakikitang masaya ang mga anak nilang sina Lorin at Venice sa pagdating ng ama.

Tungkol sa pangako ni Yilmaz na kakausapin ang ama’t ina (Eddie Guterrez at Annabelle Rama) niya, umaasa ang magandang aktres na mapapatawad ito ng kanyang mga magulang, pati na rin ng kanyang mga kapatid.

At sa kinatatakutan ng mga tagahanga niya na baka biglang sumama si Ruffa kay Yilmaz at basta na lang niya kalimutan ang kanyang ABS-CBN 2 at endorsement contracts, nilinaw niya na hindi mangyayari ‘yon.

"Kahit ano pa ang mangyari, I’m honoring my commitments here. Hindi ako basta aalis. Tatapusin ko ang kontrata ko sa Dos at ‘yung endorsement deals ko.

"Hindi ko puwedeng basta na lang iwanan ang mga ‘yon.

"It’s not fair na after pagkatiwalaan ako ng ABS-CBN 2 at ng advertisers eh basta ko na lang sila iiwanan sakaling magkakasundo kami ni Yilmaz.

"Yilmaz knows na kailangan kong tapusin ang mga ‘yon, kaya sabi ko sa kanya, if ever na magkasundo na nga kami, dito na lang siya tumira.

"Mukhang willing naman siya. Pero we’ll see. Ayokong pangunahan ang mga puwedeng mangyari.

"Basta sa ngayon, masaya ako na okey kami. Na hindi kami magkaaway," pahayag pa ni Ruffa.

Noong Sabado ay kasama ni Ruffa na nag-shopping si Yilmaz at ang kanilang mga anak at nag-dinner silang dalawa kapagkuwan.

Ngayong araw na ito ay ipapasyal ni Yilmaz ang mga bata dahil si Ruffa ay kailangang mag-report sa taping ng Kokey.

"Siyempre, hindi naman puwedeng ma-pack-up ang taping ng Kokey lalo na at nagsimula nang ipalabas ang show. Hindi ako puwedeng mambitin ng trabaho.

"And I’m glad at naiintindihan na ‘yon ni Yilmaz," dagdag pa ng aktres.
Jun Lalin
Abante-Tonite

No comments: