Aug 13, 2007

GMA-7's Marimar: Marian Rivera thinks Dingdong Dantes is a boyfriend material

Si Marian Rivera ang itinuturong dahilan kaya nagkakaproblema raw ngayon (o natuldukan na) ang relasyon nina Dingdong Dantes at Karylle.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Magkatambal sina Marian at Dingdong sa bagong telenobela ng GMA na Marimar na magsisimula na ngayong gabi at doon daw nabuo ang matamis na samahan ngayon ng dalawa.

"Ay, wala po akong alam tungkol kina Dingdong at Kaye

(palayaw ni Karylle). Basta kami ni Dingdong, okey kami sa set," napapangiting sey ni Marian.

"To be honest, napakasarap katrabaho ni Dong. Magaan siyang dalhin, eh! At saka aalalayan ka talaga niya. Palagi niya akong tinatanong, ‘O, kumain ka na ba?’

"Napaka-gentleman po niya, lagi siyang nakaalalay sa akin."

So, meron bang dapat ipagselos si Karylle?

"Si Dingdong na lang po ‘yung tanungin n’yo. Basta ako, ginagawa ko po ‘yung trabaho ko, masaya ako sa trabaho ko at masaya kami ni Dingdong sa trabaho namin."

Hindi kaya dahil sa sobrang sarap at saya na makatrabaho si Dingdong ay ‘naagaw’ na niya ito mula kay Karylle?

"Hindi naman po siguro gano’n! At kung meron man pong mangyayari na gano’n, hindi po ako ‘yung makakapagsabi ng gano’n.

"Kasi ako po, bilang Marimar, nagtatrabaho lang po ako at saka hindi po siguro maganda kung ‘yung leading man ko eh, hindi kami nag-uusap, hindi kami nagkukuwentuhan at wala kaming chemistry, ‘di ba? So, kailangan namin ‘yon," katwiran ni Marian.

So, posible bang magkainlaban sila ni Dingdong?

"Ang hirap kasing magsabi ng oo at ang hirap ding magsabi ng hindi. Hindi ko pa po masagot, pero sa ngayon, masasabi ko na mabuti kaming magkaibigan ni Dong at komportable ako sa kanya."

Na kay Dingdong ba ang mga katangian na hinahanap niya sa isang boyfriend?

"Masasabi ko pong oo. Kasi, mabait siya, gentleman, maasikaso at malambing…"

So, totoong panay ang lambingan nila sa set?

"Siyempre naman po kasama po ‘yon!" sagot ng tisay na dalaga.

Keri niya bang ‘manira’ ng isang relasyon?

"Huwag naman! Huwag naman po gano’n. ‘Pag nagkikita naman po kami ni Kaye sa SOP, nilalapitan ko siya at nagha-‘Hi!’ ako sa kanya. Wala naman po kaming problema ni Kaye," paglilinaw niya.

Marami silang kissing scenes ni Dingdong (bilang si Sergio) sa Marimar. Anong masasabi niya sa halik ni Dingdong? Masarap ba?

"Oo naman! Ha! Ha! Ha!" tawa niya.

Kung ihahambing niya sa isang prutas, anong prutas ang kalasa ng halik ni Dingdong?

"Ano ba ‘yan? Prutas ba talaga? Wala pong prutas na maihahambing sa kanya, eh! Basta masarap ang halik ni Dong!" tila kinikilig pang sey ng sinasabing next big star ng Siyete na si Marian Rivera.
Allan Diones
Abante-Tonite

No comments: