Aug 2, 2007

What is it with Ms. Maricel?

What's up with our diamond star? First she reveals that she and Aga Muhlach had a sweet past, and now she admits that Bong Revilla was a suitor of her too. Is it hormones or too much reminiscing, well I think it's kinda strange since I have this impression that she's a reserved woman.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa solo presscon na ibinigay ng Star Cinema para sa Diamond Star Maricel Soriano in connection with her latest movie, A Love Story, kahapon, August 1, ay na-reveal na bukod sa leading man niya sa nabanggit na pelikula na si Aga Muhlach ay naging manliligaw rin ng aktres ang action star at senador na si Ramon "Bong" Revilla Jr.

Sa United States noon naninirahan si Bong at pagdating niya sa Pilipinas ay si Maricel ang una niyang hinanap dahil gustung-gusto niya itong

makita. At nang makita na nga ni Bong si Maricel ay dinadalaw na ng anak ni Ramon Revilla Sr. ang aktres sa bahay nito.

"Pero nanligaw siya sa akin. Nakarating siya. Well, dumadalaw. Hindi pa siya artista noon," pambubuking ng Diamond Star.

May regalong chocolates and roses din ba sa kanya noon si Bong kapag dumadalaw sa kanya?

"Parang may ganun din ‘ata, pero hindi ko maalala ‘yung part na ‘yon. E, kasi pag hindi sinasabi, kapag hindi bini-verbalize, parang malay ko naman kung ano ‘yon! Minsan tatanga-tanga rin ako, di ba? Minsan may ganun kasi, hindi nga bini-verbalize, di ba?

"Parang ano, baka naman nice siya. Ayoko namang ma-misinterpret ‘yung mga ganun. Baka naman nice lang. Wala namang sey ng such, di ba? So, siyempre, wa ka naman ano, parang, ‘Ah, yeah!" nakakatawang pahayag ni Maricel.

Sinagot ba niya o binasted si Bong?

"Kasi naman ‘pag sinabi mo ‘yung word or ‘yung term na basted, para namang ano, di ba? Hindi rin natuloy, ganun na lang," halatang pag-iwas niya.

Samantala, hindi ma-reveal ni Maricel kung siya ang legal wife or other woman ni Aga sa pelikula nila with Angelica Panganiban na A Love Story.

"Hindi ko alam, e," sabi niya. "Alam mo, hindi ko masagot kasi kung papaano nila ie-edit ‘yung pelikula, hindi ko alam. Hindi naman kasi namin shinoot ng chronological ‘yung pelikula. Meron kaming mga scenes na ganito, ganun.

"Live sound kami, e, kaya hindi ko alam kung paaano lalabas nang buo ‘yung movie. Kung meron man kaming ida-dub, pakonti-konti. So, hindi namin talaga alam. Kahit kami, ayaw nilang i-reveal sa amin na, 'O, ganito natin gagawin.' So, gugulatin din kami. Kaya ano ang sasabihin namin? Wala kaming masabi.

Sobrang humanga rin daw si Maricel kay Aga bilang aktor habang ginagawa nila ang pelikula.

"Sinabi ko talaga kay Aga, ‘Alam mo, may bago kang fan?' ‘Sino?' ‘Ako,' sabi ko. ‘Eto naman,' ganun siya. ‘Uy, ayaw pang maniwala,' sabi ko sa kanya.

"Alam ko na magaling na artista si Aga. Pero nung nakasama ko siya sa movie na ‘to, nakapahusay niyang aktor," sabi ni Maricel tungkol sa kanyang leading man.
GMANEWS.TV

2 comments:

Anonymous said...

it was Aga who said it first in the buzz last sunday that sometime in the past he and Maricel dated... and Bong Revilla had revealed in an interview with Ricky Lo that Maricel Soriano is the first woman who broke his heart. lol. ang corny ni bong.

sometimes, its the press who spiced things up kasi when you read again the article... you can tell na she was careful relating bong's 'panliligaw' to the press people. and here's the thing, kapag hindi naman niya sasagutin ang mga tanong na iyan, may magsasabi na naman na nagtataray siya. lol.

showbusiness is a weird world. but i've always admired Maricel Soriano for being straight and honest.

Anonymous said...

oo nga eh, may reputation syang masungit ngayon naman honest sya na-weiweirduhan tayo kasi hindi tayo sanay haha ikaw ha, hormones?!loka!