Aug 2, 2007

Derek Ramsey opens up about girlfriend Angelica Panganiban

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Maganda naman at naging open na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsey sa kanilang relasyon na tumatakbo na ngayon sa ika-siyam na buwan. Kaya naman noong nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang model turned actor sa taping ng Boy & Kris last July 31 ay diretsahan na itong sumagot sa aming mga tanong, hindi gaya noon na paliguy-ligoy siya sa kanyang mga sagot.

"Oo, nine months na kami, we've known each other for that long. Di ba, sa mga

interviews ko di ako nagbibitaw ng salita until I'll know her well? But it's been going well so far. So, 'yong nine months, that's how long we've known each other. Wala kaming specific date, pero mayroon kaming ganun na understanding," paglalarawan ni Derek tungkol sa relasyon nila ni Angelica.

Ayon kay Derek, nagsimula ang kanilang relationship mula sa day one ng kanilang pagkakilala.

"For me kasi, ang relationship, puwede friend. I mean, it has grown into something else, pero I started the relationship with her as a friend. We started off as something else, it's the whole nine months," paliwanag niya.

Inamin din ni Derek na nagkakaroon din sila ng konting samaan ng loob na nagmula sa asaran.

"May mga tampuhan nga, pero di naman kami nag-aaway ni Angel, e. Tampo-tampuhan lang. ‘Yung pikunan lang, kasi pinipikon niya ako sa ibang babae at pinipikon ko naman siya sa ibang lalaki. Hanggang mapipikon na talaga siya, hindi ako kakausapin noon," kuwento niya.

Sinabi pa ni Derek na hindi natatapos ang isang araw na hindi sila nag-uusap. Ayaw rin niyang lumalampas ang araw na hindi sila nagkakasundo kapag nagkakatampuhan sila.

"I don't like fighting," aniya. "Kung ako ang may kaaway, gusto kong tapusin kaagad para walang problema."

Nilinaw naman ni Derek ang lumabas sa isang pahayagan na binabayaran diumano si Angelica ng malaking halaga para hiwalayan lamang siya. Ano ang katotohanan dito?

"Ano 'yon, Deal or No Deal 'yon. Ako ang inalok ng pera ni Banker na ... Kasi ako 'yong supporter, di ba? In-offer kami, lalakihan daw 'yung offer kung makikipag-break daw siya [Angelica] sa akin at makikipagrelasyon siya kay Banker. Tumanggi siya at ako naman, tumanggi sa pera," natatawa niyang sabi.

Idinagdag pa ni Derek na in the spirit of fun lang naman ang alok kay Angelica na pera kapalit niya sa game show ni Kris Aquino.

"Money is not the most important thing in life," sabi niya. "You know, money can't buy happiness. So, I'm educated, I know I can make money. Whether in showbiz or not, may back-up ako ng school, so pera, laging nandiyan, e."
GMANEWS.TV

No comments: