Aug 1, 2007

Marian, mas maganda at mas mukhang sariwa kay Angel?

BAKIT ganado ang mga barako, bading, at babae sa pagdaan sa Timog Avenue, Quezon City, corner Edsa? Well, bongga kasi ang nakabalandrang giant billboard ng GMA 7 ngayon na kung saan ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nakalagay, para sa Marimar.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Bongga dahil seksing-seksi si Marian Rivera (bilang Marimar), na parang shells lang na ginawang kuwintas ang nakatakip sa kanyang malusog na dibdib.

At kitang-kita nga ang makinis na kutis at magandang hubog ng kanyang katawan. At hindi rin

nagpatalo si Dingdong, dahil machung-macho naman talaga siya, ha!

Anyway, masaya si Ms. Wilma Galvante (SVP for Entertainment ng GMA) sa nakukuha nilang feedback tungkol kay Marian. May mga nagtatanong nga raw sa kanila kung saan nila nakuha si Marian, na parang ngayon lang nila nakita.

"New face, fresh na fresh ang dating at ang ganda-ganda niya. Nasa packaging talaga `yon."

Pinuri nga rin ni Ms. Galvante ang TAPE, Inc., na unang nagbigay ng chance kay Marian sa telebisyon.

"Nahasa talaga ang acting ni Marian. Malaki ang nagawa sa kanya ng TAPE. May talent `yung bata at malalim `yung acting," sabi pa ni Ms. Galvante.

Ikinuwento pa rin ni Ms. Galvante na dumaan talaga si Marian sa matinding pagsubok sa audition. Sabi nga, dapat ay hindi magsusuot ng two-piece si Marian sa audition para sa Marimar, pero nung makita raw nito ang mga kasabayan niya, na-challenge ito, at nagsuot ng two-piece, at bumigay nang husto sa pagsayaw at pagkanta.

At bago nga raw nagpunta si Marian sa audition, talagang nag-practice ito sa pagsayaw na ala-Thalia. Kumbaga, kinarir talaga ni Marian ang audition at hindi naman siya nabigo, dahil heto at reynang-reyna na siya bilang Marimar.

Sa totoo lang, ang pagkawala ni Angel Locsin sa GMA 7 ay isang magandang oportunidad para sa mga tulad ni Marian. At least, may mga bagong mukha tayong makikita sa telebisyon, na magpapakita ng kanilang talento sa pag-arte.

At sabi nga, base sa billboard na nakikita sa Timog corner Edsa, Q.C., mas maganda at mas mukhang sariwa si Marian, kesa kay Angel, ha! Pero siyempre, hindi papayag ang mga fans ni Angel, dahil para sa kanila, mas maganda at mas sariwa pa rin ang idolo nila. Kanya-kanyang opinyon at pananaw at paningin lang `yan, `di ba?
Dondon Sermino
Abante

1 comment:

Anonymous said...

para sa akin incomparable ang beauty ni angel and marian..
marian is waaaaay better than angel.
makikita nman natin maski walang make-up si MARian pretty pa rin at ang ganda ng mga mata ni angel.

para sa akin, insulto yan pag sinabi na sino ang maganda kasi.. just look at MARIAn.. napakafresh ng mukha ang nasa KANYA ang FULL PACKAGE..


fans ni angel??? diba wala na??