Aug 1, 2007

Kontrata ni Jen, respetado ng GMA!

"WALANG dapat ipag-alala si Jennylyn (Mercado)," seryosong deklarasyon ni Ms. Wilma Galvante ng GMA 7.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nag-aalala nga ang kampo ni Jennylyn, na dahil sa gulong nangyayari ngayon sa pagitan nina Angel Locsin-Becky Aguila at GMA 7, posibleng mawalan na rin ng trabaho si Jen sa Siyete.

Pero, giit nga ni Ms. Galvante, may kontrata si Jennylyn sa GMA (hanggang 2009 pa

yata), kaya obligasyon nila na i-honor ang kontrata.

Pero, kung susumahin mo raw, bilang unang winner ng StarStruck, naibigay na o sobra-sobra pa, kay Jen, ang dapat na premyo niya, o obligasyon nila. Pero, paulit-ulit ngang sinabi ni Ms. Galvante, na walang dapat ipag-alala si Jen, dahil marunong mag-honor o marunong rumespeto ng kontrata ang Kapuso network.

Pero, sabi pa rin ni Ms. Galvante, "We will not do business with Becky Aguila." Puwede naman na ang Artist Center ang humarap sa Siyete sa tuwing may project si Jen.

Sa ngayon, prangkahan na ngang sinabi ni Ms. Galvante na sina Yasmien Kurdi at JC de Vera ang magiging bida sa Pasan Ko Ang Daigdig na pinagbidahan ni Sharon Cuneta noon sa pelikula. Sina Yasmien at JC nga raw ang maituturing na mga Prince & Princess ng Sine-Nobela.

No comments: