Aug 14, 2007

Marian makikipagbakbakan

KAHAPON aynagsimula na ang pakikipagsapalaran ni Marian Rivera (gumaganap bilang pangunahing tauhan sa seryeng Marimar) sa rating game. Pre-sold na ang Marimar sa tao dahil sinubaybayan ito ng maraming Pinoy na nagkahilig sa Mexican telenovela when it was aired sa RPN Channel 9.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ang Marimar ay pinagbidahan ni Thalia.

Kung sa ganda at kaseksihan din lang ang pag-uusapan ay tila hindi naman

pahuhuli ang kagandahan at kaseksihan ng Pinay version ni Thalia sa katauhan ni Marian.

She’s coupled with sex appeal na tiyak na ikatutulo ng laway ng mga kalalakihang naghahanap ng bagong mamahalin at pagpapantasyahan. And Marian is one young actress na magiging pantasya ng mga anak ni Adan.

Sobrang lucky talaga ni Marian. Mula sa pagiging support lang sa mga bidang lalaki sa kanyang past drama series, ngayon Marian could claim na sa kanya na talaga iikot ang takbo ng istorya.

Ibang-iba na nga ang looks ni Marian. She has transformed into a sexy thespian. At wala na ngang duda she will be the next most important star as claimed by GMA Network.

Maniwala kayo sa amin, after Marimar, magiging talk-of-the-town na siya. Ngayon pa nga lang, as Marian admits, tinatawag na siya sa character na ginagampanan niya sa series.

“I hope I won’t disappoint people,” lahad niya. “Ginawa ko naman talaga ang lahat for this role. Ayokong masira sa mga taong nagbigay sa akin ng pagkakataon to prove my worth as an actress. Ayokong sirain ‘yung tiwala nila sa akin. At nagpapasalamat ako sa tiwalang ipinagkaloob nila sa akin.”

Marimar will be seen nightly sa Telebabad Block ng GMA. It also stars Dingdong Dantes as Marian’s leading man.

Maliban sa dalawa, kasama rin sa serye ang ilang malalaking artista ng Kapuso Network tulad nina Richard Gomez, Katrina Halili, Nadine Samonte, Bianca King, Jestoni Alarcon, Rita Avila, Bong Loyzaga, Caridad Sanchez, Manilyn Reynes, Boboy Garovillo, Mike Tan at maraming iba pa. Mula sa direksyon nina Bb. Joyce Bernal at Mac Alejandre.
Lito MaƱago
People's Taliba

No comments: