Aug 14, 2007

Jennylyn inisnab ang Showbiz Central

NO show si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayan na nga ang sinasabi namin na tila gumagawa ng sariling drama si Jennylyn at ang mga nasa likod niya. Pinurga at binagyo tayo ng “maawa naman kayo kay Jennylyn bigyan ninyo ng trabaho huwag idamay kay Angel Locsin” slant for two weeks at eto, pinagri-report siya sa Showbiz Central last Sunday for a gathering of all Kapuso stars, siya ang natatanging no-show.

Sabi ni Jenny Donato of GMA Artist Center, hindi raw nila mahagilap si

Jennylyn dahil putol ang communication kaya nga kakausapin nila ang ina ni Jennylyn about this. Sabi sa ibang GMA Artist Center, depressed pa rin daw si Jennylyn sa meeting niya with the department. Text sa amin ni Mark Herras, ang sabi may sakit daw, so which is which ba talaga?

May gumagaya na yata sa gimmick namin, scheduled ang ‘pagkakasakit.’
Dinno Erece
People's Taliba

No comments: