Aug 13, 2007

Lolit Solis: Angel, nahuli sa sariling bibig

Hindi ko pa nakaka­usap si Ali Sotto dahil alam ko na busy siya sa pag-eempake ng mga ga­mit nila ng kanyang asawa dahil malapit na silang umalis papunta sa Madrid, Spain.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Type ko na maka­usap si Ali dahil naiin­triga ako sa kanyang sinabi na bigla siyang nadiskaril nang matang­gap niya ang text mes­sa­ge ni Angel Locsin mula sa London.

Siyempre, bilang TV host at reporter, gusto kong malaman ang mes­sage ni Angel kay Ali na itinuturing niya noon na pangalawang ina bago sila nawalan ng communication.

Sa interbyu ng Star­talk kay Ali, naikuwento nito na tinatawagan niya si

Angel noong birthday nito pero hindi sinagot ang kanyang cellphone call.

Ang natatandaan ko, nag-celebrate ng kan­yang birthday si Angel sa Boracay at ka-join niya dito si Marvin Agustin.

Bakas sa tono ng pa­nanalita ni Ali na may hi­na­nakit ito kay Angel pe­ro pinigil niya ang sarili na magsalita.

Sa true lang, ang gan­da ng mga sinabi ni Ali tungkol sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN.

Marami naman ang naloka sa statement ni Angel na masaya ito dahil nakahanap siya ng bagong bahay (ABS-CBN) at tama raw ang kanyang ginawang de­sis­yon.

Meron tayong ma­tan­dang kasabihan na ang isda ay nahuhuli sa bibig. Dahil sa statement ni Angel, nag-conclude ang mga tao na silang dalawa ni Becky Aguila ang nagplano ng pag-alis niya sa GMA 7.

Ang ibig sabihin, hindi solong desisyon ni Becky na ilipat si Angel sa Kapamilya network.

‘Yan ang matagal ko nang sinasabi. Bilang manager ng maraming artista, hindi ko solo ang pagpapasya. Kada­la­san, ang mga artista ang nakakaisip ng kani­lang mga gustong gawin at ang mga manager lamang ang nag-i-im­ple­ment o nagiging spokes­­person nila. It takes two to tango debah?

* * *

Sinabi rin ni Angel na gusto niyang maka­tra­baho sa ABS-CBN ang mga reyna tulad nina Claudine Bar­retto, Bea Alonzo at Judy Ann Santos.

Ang tanong, papa­yag ba si Alfie Lorenzo na makatrabaho ni Ju­day si Angel eh araw-araw nga ang pagku­wes­tyon niya sa loyalty ng dating Kapuso star?

Kung papayag man si Alfongga, if the price is right ang magiging usapan pero depende pa rin sa mood ng ma­na­ger ni Juday na pala­ging nagkakatotoo ang mga sinasabi kaya may dahilan para ma-afraid si Angel ‘huh!
Lolit Solis
Pilpino Star Ngayon

No comments: