One year in the making ang album ni Sam
Bakit nga ba inabot ng isang taon in the making ang first solo album ni Sam Concepcion?
Kasi naman naging urung sulong ang pagri-record nito dahil feeling ng ilan, hindi pa oras na pumalaot siya sa recording dahil sa awkward age nitong 15 yrs. old (turning 16). Kahit panay pa ang voice lesson ni Sam ay nag-aalala pa rin sila dahil sa boses niyang alanganing totoy pa at nagbibinata.
Buti na lang buo ang loob ng Universal Records plus malaki ang tiwala nila sa charm at talents
ni Sam. Ngayon ay click na click si Sam sa mga bagets niyang fans kaya nga naging matagumpay ang High School Musical nito na balak pang i-market sa abroad. Ganundin sa mga bata niyang fans na kilala siya sa alyas na “Boy Bawang.” Hindi pa kasama rito ang mga pinagbidahan niyang Sino Ka Ba, Jose Ricali; The Lion, The Witch and The Wardrobe, Song of Mulan. At pagiging champion niya ng Little Big Star.
Wala atang mommy ang hindi papayag na gawing idol ng kanilang mga anak si Sam dahil napapagsabay pa nito ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho. Saludo rin sila sa pagiging magiliw at magalang nito. At kahit kabilang sa elite at edukadong pamilya, down to earth pa rin ito sa kahit sinong makasalamuha niya, kahit sa mga batang kalye.
At dahil “music has no boundaries” kahit forgets promise, makaka-jive sa single nitong “Even If” na catchy and danceable ang melody. Ganundin sa rendition nitong kanta ni Michael Jackson na “Happy”. Meron din siyang “Stay The Same,” “Walang Hanggan,” “Kay Dali,” “Paano Na” at “Wishing You’ll Be Mine.”
Lanie B. Mate
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment