Is Wowowee facing another controversy?
Another scandal might cause heavy damage to Willie Revillame and his noon-time show 'Wowowee'. Allegedly, a contestant and TFC viewers alike are upset about a 'rigged' game.
Here's why:
PANIBAGONG sakit ng ulo na naman ang tiyak na kakaharapin ngayon ng ABS-CBN nang dagsain ng reklamo ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa panibagong kontrobersiya na kinasasangkutan na naman ng noontime show nang mabuko umano rito ang sinasabing ‘anomalya’ o ‘dayaan’ sa pinakabagong palaro nilang Wilyonaryo Jackpot.
Noong Sabado ini-launch ang nasabing palaro, ngunit ito ay celebrity edition lamang, at nitong nakalipas na Lunes, Agosto 20 ito pormal na binuksan para sa mga contestants.
Isang nagngangalang Weng ang naging contestant ng nasabing palaro kungsaan ang mismong host na si Willie Revillame ang umistima rito para sa mala-pera o bayong na larong tinawag nilang Wilyonaryo Jacket.
Para itong laro na pinball dahil papipiliin ang contestant ng isang wheel na may kulay at doo’y papahulaan kung nais ba nito ang ‘Wilyo-naryo’ o ‘Winame.’
Kapag pinili ang Wilyo-naryo, may tsansa ang con-testant na manalo ng P2 mil-yon; P1 milyon o P500,000 at bahay at lupa. Kapag Winame (Uwi na ko) naman ang pinili, ibig sabihin ay tatanggapin na lamang nito ang alok na pera ni Willie at uuwi na la-mang ang contestant.
Noong nakaraang Lunes, pinili umano ni Weng ang ‘Wi-name’ kasama ang P100,000 na alok ni Revillame, bukod pa sa napanalunan nitong P37,000 sa ‘elimination round’ bago ang jackpot round.
Hindi naman nabigo si Weng na maging tama ang pasya dahil ang pinili nitong kulay puting wheel ay nag-lalaman ng 0 na ibig sabihin ay kung ito ang pinili, tiyak na bokya o uuwi siyang luhaan.
Tulad ng patakaran sa iba’t ibang game show, sisili-pin kung nasaan ang ‘jackpot prize’ at sinabi ni Revillame na ito ay nasa kulay lilac o violet na wheel.
Nang aktong bubuksan ng kontrobersiyal na host ang nasabing ‘wheel,’ lumabas umano rito ay 0 (zero).
Narito ang pinakahuling bahagi ng transcript na nang-yari sa kanilang pagkaka-buko:
Mariel Rodriguez: Ayon wa-lang laman.
Willie: Mali , Mali , Mali . Sandali. Ang P2 milyon ay (habang binubunot sa likod ng wheel) eto pala.
Mariel Rodriguez: Hawak mo pala Pappy.
Willie: Ayon hawak ko pala, Alright ayan po ang P2 milyon,2,000,000.
Dahil sa nasabing insi-dente, nabuko na dalawang uri ng papel o ‘film’ mayroon ang ‘jackpot’ wheel ng nasa-bing palaro kung saan ay maaari nilang gawing milyon ang zero na numero o gawing zero ang milyon na numero.
Bukod dito, reklamo ng mga nakasaksi sa panonood, nagtataka rin sila kung bakit nasa likod lagi ng ‘wheel’ ang kamay ni Revillame.
Ang naturang pagkaka-buko ay nai-record ng ilang ‘televiewers’ at anumang araw mula ngayon ay ipada-dala nila ang kopya ng CD nito sa tanggapan ni MTRCB chairperson Ma. Consoliza Laguardia na inaasahang magpapatawag ng imbesti-gasyon hinggil dito.
Karamihan sa mga na-tatanggap na sumbong ng MTRCB ngayon ay mga subs-criber mismo ng The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kung matatandaan, ina-bot na matinding problema ang Wowewee nang mara-ming tao ang mamatay sa hindi malimutang Ultra stampede tragedy noong Pebrero 5 ng nakalipas na tao.
Marlon Purificacion
People's Taliba
3 comments:
buti nga sa kanila.. kainis nman talga ang shows nila!
GO GO GO Willie mandaraya talaga kayo makakarma kayo sa gawa nyo better itigil na yang wowowee na show.......
Hay pag hindi ninyo tinigil ang show nyo mas malala pa dyan mangyayari.... bistado na kayo paano pa magtitiwala ang mga viewers nyo....!!!!!!!!!!!
Post a Comment