Aug 23, 2007

Judy Ann Santos, Marian Rivera and Dennis Trillo will co-star in a Regal film

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis Trillo sa NCCC Mall sa Davao City kaugnay ng pakikiisa ng Kapuso network sa selebrasyon ng 2007 Kadayawan Festival noong August 17.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Tinanong ng PEP si Dennis kung alam na niyang baka hindi na matuloy ang pagtatambal nila ni Angel Locsin sa pelikulang When I Met You sa Regal Entertainment na ididirek ni Joel Lamangan.

Ito ay dahil sa hindi pagkakaunawaan ni Mother Lily Monteverde at ng kampo ni Angel.

"Yes po," sagot niya. "Balita ko, si Marian [Rivera] na ang makakatambal ko. Kung

matutuloy po, first time naming magkakasama ni Marian sa isang movie. Although nagkasama na kami sa Super Twins noon, pero hindi kami ang magkatambal."

Nang tanungin si Dennis kung wala ba siyang balak ligawan si Marian, sinabi ng young actor na ayaw raw muna niyang makigulo sa loveteam ng young actress at ni Dingdong Dantes, lalo pa't kasisimula lang daw ng Marimar.

Incidentally, iisa lang ang manager nina Dennis at Marian, si Popoy Caritativo.

Sa ngayon ay nagsu-shooting si Dennis ng horror film na Kulam with Judy Ann Santos para sa Regal din. Ano ang reaksiyon ni Dennis sa sinabi ni Judy Ann na tahimik daw siya sa set?

"Ewan ko ba, kahit nagkasama na kami ni Judy Ann sa Aishite Imasu, nai-starstruck pa rin ako sa kanya kapag tinitingnan ko siya. Hindi ko alam kung paano ako kikilos, hindi ko alam kung nahihiya ako sa kanya o nai-intimidate ako dahil sa husay niyang umarte," natatawa niyang paliwanag.

Inintriga namin si Dennis kung bakit hindi niya kasama ang manager niyang si Popoy, na lagi niyang kasama noon lalo na kung may out-of-town show siya.

"Hindi na niya ako pinapansin," biro ni Dennis. "Si Marian na lang ang sinasamahan niya. Bukas, kasama siya ni Marian dito."

Kahapon, August 21, ay nagsimula nang mag-taping si Dennis ng bagong fantaserye ng GMA-7 na Zaido, kung saan kasama niya sina Raymart Santiago, Marky Cielo, Aljur Abrenica, at Lorna Tolentino. Ayon kay Dennis ay sa isang studio sa Marilao, Bulacan, ang taping nila. Hindi na raw kasi puwedeng gamitin ang studio sa Mariwasa, Pasig City, na dating ginagamit ng GMA-7 dahil kalahati raw ng property ay naibenta na.
GMANEWS.TV

No comments: