Regine Velasquez walked out of the SOP show
Apparently Regine Velasquez walked out last Sunday from the GMA-7 variety show SOP. A source says it's not Ogie who made Regine upset but the staff of SOP.
Here's why:
ANG staff ng SOP (GMA 7) at hindi raw si Ogie Alcasid ang dahilan kung bakit nag-walk out si Regine Velasquez last Sunday sa naturang show.
Sabi ng mapagkakatiwalaang source, walang away o tampuhan sina Ogie at Regine last Sunday, at katunayan ay sweet na sweet pa rin ang dalawa. Panay nga raw ang lambingan nila sa backstage.
Sa kuwento ng aming kaibigan, nagsimulaang pagkainis ni Regine sa staff noong hindi nito mabasa ng maayos ang mga linya ng kinakanta niya sa teleprompter.
Natatakpan daw kasi ng ilang staff at cameraman ang teleprompter, kaya paanong mababasa ni Regine ng maayos ang kanta.
Eh, panay na raw ang senyas ni Regine sa ilang staff na hindi nga niya mabasa ang mga letra sa teleprompter. Pero, parang hindi raw siya pinapansin ng mga ito. Nu’ng mga oras na `yon, natataranta rin daw ang halos lahat ng staff ng SOP dahil sa dami ng tao sa paligid.
At `yun na nga, dahil hindi mabasa ni Regine ang mga linya niya sa teleprompter, nagkamali ang dalaga. At siyempre, kasunod na noon ang pagkaimbiyerna.
Sabi pa, hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito kay Regine. Pero, `yung nangyari raw last Sunday ang pinakamatindi sa lahat.
Eh, knowing Regine, ayaw na ayaw niya na nagkakamali sa mga kinakanta niya. Oo nga naman, para saan pa na kinilala siyang Songbird kung palagi na lang siyang magkakamali.
At dahil nga sa pangyayaring `yon, hayun at bigla na lang lumayas si Regine sa studio ng SOP, at hindi na ito muli pang bumalik.
Hindi na nga raw tinapos pa ni Regine ang SOP, dahil bigla na lang daw itong bumaba ng entablado at umalis.
Pero, bago lumayas si Regine sa studio, humalik muna raw ito kay Ogie.
Anyway, siyempre ay nagulat ang buong staff ng SOP. Tinangka nilang pigilan si Regine na umalis ng studio, pero hindi na nagpaawat pa si Regine.
At ang nakakaloka pa, pati raw ang mga damit ni Regine sa kanyang dressing room ay iniwan na lang niya. Siyempre, hindi na rin `yon naasikaso ng kanyang mga kasamahan dahil agad din silang sumunod kay Regine.
Anyway, malinaw nga na ang staff ng SOP ang dahilan kung bakit lumayas si Regine sa studio ng Siyete last Sunday. Malabo nga na magkatampuhan sila ni Ogie sa ngayon.
Siyanga pala, sa August 24 at 25 ay may concert si Ogie sa Music Museum, ang Faces of My Life. At siyempre, ang mahal niyang si Regine ang kanyang special guest.
Anyway, si Sherilyn Reyes ang producer ng concert ni Ogie. At siya rin ang nagsabi sa amin na siguradong darating si Regine sa concert ni Ogie.
Rey Pumaloy
Abante
No comments:
Post a Comment