Aug 6, 2007

Hollywood celebrity, tinalbugan ni Iza Calzado!

WALA raw expectations si Iza Calzado sa pagpunta niya sa August 20 sa Hollywood para magsyuting ng The Echo, kasama si Camilla Warner (na gaganap sa papel na ginampanan ni Angel Locsin sa Sigaw).
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sabi ni Iza sa victory party ng OUIJA, gagawin lang niya ang dapat gawin, at patutunayan lang niya na tama ang desisyon ng mga producer nila sa Hollywood na siya ang kinuha para gumanap na ghost sa The Echo (na parehong role na ginampanan niya sa Sigaw).

Kuwento nga ni Iza, maraming artista sa Hollywood ang nag-audition para sa papel niya, at kasama

na raw ang isang Hollywood celebrity na ka-level ni Paris Hilton sa mga tinalbugan ni Iza. Ayaw lang sabihin ni Iza kung sino ang naturang Hollywood celebrity, dahil ayaw naman niyang masabihan na nagyayabang siya.

Pero, masayang-masaya siya at nagpapasalamat siya nang husto kay Direk Yam Laranas na siyang nag-suggest sa casting director ng The Echo na tingnan o ikunsidera si Iza para sa naturang papel.

Sa ngayon, ang boyfriend niyang si Jerry na nakatira sa America ang siyang nagha-handle sa mga bagay-bagay roon, at siyempre pa, malaki ang tiwala niya kay Direk Yam, na aalagaan siya nang husto kapag nandoon na siya.

Sa August 27 na nga magsisimulang magsyuting si Iza roon. Hindi maikuwento ni Iza ang mga gagawin niya, dahil bawal raw siyang magbigay ng detalye sa gagawin niya roon.

"Pero, alam ko na aalalayan ako ni Direk Yam. Hindi niya papayagan na maliitin ako ng mga tao roon, na hindi naman nila gagawin sa akin," say ni Iza.

Huwag din daw isipin na sobrang laki ng talent fee na matatanggap niya mula sa The Echo. Sabi nga niya, bagama’t mas malaki ang perang makukuha niya roon kesa sa talent fee niya rito sa Pilipinas, maituturing na minimum pa rin `yon sa klase ng talent fee na nakukuha ng mga artista roon.
Dondon Sermino
Abante

No comments: