Aug 6, 2007

Marvin Agustin on Angel Locsin

FINALLY ay nakausap na namin si Marvin Agustin tungkol kay Angel Locsin. Saturday morning nang tumawag sa akin si Marvin, at nag-sorry na hindi agad siya nakapag-reply sa mga text namin sa kanya.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sabi ni Marvin, busy siya sa taping ng Mga Mata ni Anghelita sa GMA (na patuloy na humahataw sa ratings ngayon). At alinlangan

nga siya na makisawsaw pa sa isyu kina Angel Locsin-Becky Aguila at sa GMA.

"Maraming gustong mag-interview sa akin, pero tumanggi ako, kasi hindi ko naman issue ‘yon. Nu’ng nag-text ka sa akin, inisip ko na siguro it’s about time na magsalita din ako. Pero, naisip ko rin na siguro mas magandang hintayin na lang natin na si Angel ang magsalita.

"Masyadong malaki ‘yung issue. Ayokong maipit sa pagitan nila ng GMA.

"I’ve nothing much to say about that dahil sila naman ang nakakaalam kung ano ang problema nila sa bawat isa. Hindi sa pinuprotektahan ko ang sarili ko sa GMA, kundi baka masabi pa ng ibang tao na nakikisawsaw ako.

"Baka sa halip na magsentro na lang ‘yung issue sa kanila, baka ma-divert pa sa iba at magsanga pa ng ibang intriga.

"Alam ko naman na may sasabihin si Angel tungkol diyan, at siya lang naman ang may karapatang magsalita o magtanggol sa sarili niya.

"But as a friend, naaawa ako sa kanya dahil sa pinagdadaanan niya ngayon. Kahit siya hindi niya ginustong lumaki ito.

"Nu’ng huli kaming magkausap, nag-advice ako sa kanya na kung ano man ang maging desisyon niya, sana kung may masasaktan, konti lang at maiintindihan kung ano man ang intension niya.

"Pero hindi nga makontrol ang sitwasyon, lumaki nang lumaki ang issue at lumala na.

"Nakakaawa rin si Angel. Kaya nga I’m praying for her and for those people na nasaktan sa problemang ito na sana mag-heal ‘yung sugat and they will all move on," sabi ni Marvin.

Anyway, sabi pa rin ni Marvin, hindi na sila nakakapag-usap ni Angel ngayon.
Rey Pumaloy
Abante

No comments: