Aug 6, 2007

Billy, si Cristine naman ang nilandi

Tinatapos ni Cristine Reyes ang launching movie niyang Green Paradise pero nang nakausap namin siya sa Startalk nu’ng Sabado, parang hindi na natutuwa ang young actress sa pelikulang ginagawa niya.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kung siya ang masusunod, parang ayaw na niyang matapos pa ito.

"Hindi naman ako nagmamadali na magkaroon agad ng launching movie, eh," ani Cristine.

Ayaw na niyang idetalye kung ano ang nangyari, pero

sinabi lang niya na parang nababastos na siya sa shooting.

Sa direktor ang reklamo niya at kahit ang producer niya ay namumroblema din daw sa direktor na ito.

Taga-Hongkong ang producer nitong Green Paradise pero Pinoy ang direktor na hindi pa ganu’n kakilala.

Madalas daw ay lasing ito sa shooting kaya nakialam na raw si Joel Torre na isa sa mga kasaling artista.

Parang nag-assistant director na raw si Joel at kahit ang producer ay gusto raw na ang aktor na ang magtapos nito.

Nang nakausap namin ang ilang taong involved sa pelikulang ito, sinabi nilang may taga-Hongkong na direktor na darating at tutulong pa rin daw si Joel Torre para matapos ang pelikula.

Ayaw na raw kasi ni Cristine na makatrabaho ang inirereklamong direktor.

Maganda raw sana ang pelikulang ito kung maayos ang pagtatrabaho. Inaayos daw nila ngayon ang problema para makampante si Cristine sa shooting.

Doon pa rin sa Startalk ay nagkakilala sina Cristine at Billy Crawford (na guest din kasama si Rochelle Pangilinan).

Parang kay Cristine na naman nabaling ang tingin ng ni Billy. Humingi pa si Billy ng kopya ng FHM na cover si Cristine at nagpapirma ito.

Sobrang ganda raw siya kay Cristine at naglalandi na naman siya rito.

Mukhang nag-e-enjoy lang si Billy sa mga magagandang babae pero wala raw siyang balak na makipagrelasyon nang seryoso dahil sa trabaho daw siya naka-concentrate.
Abu Tilamzik
Abante-Tonite

No comments: