Becky Aguila: Ang alam ko, Christian station sila, so bakit ganun ang gagawin nila-
Nakausap namin last Thursday night ang manager ni Angel bago humarap sa entertainment press kagabi, Biyernes para isa-isang liwanagin ang lahat ng intrigang ibinabato sa kanya tungkol sa isa pa niyang alagang naka-freeze ngayon, si Jennylyn Mercado.
“Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko, kasi hindi ko naman ini-expect
na ganun ang gagawin nila kay Jennylyn, out siya sa problema namin with Angel (Locsin), hindi naman pupuwedeng hilahin ko si Jen to ABS dahil nakakontrata siya sa Artist Center ‘til February 2009 at sa akin din.
“Ang alam ko, Christian station sila, so bakit ganun ang gagawin nila kay Jennylyn, bakit idinamay nila? Anong kasalanan ng bata, just because they hated me so much? Just because they want to get even? Walang ipon si Jennylyn, wala siyang kinikita kung hindi nila bibigyan ng trabaho, maraming dapat bayaran ang bata, zero balance siya, they have to understand that.
“As of now, wala pa akong maisasagot dahil si Angel palang ang inaayos ko ang problema, one at a time. But I can give you a concrete answer kapag nagka usap na kami nina Atty. Felipe and Annette Gozon, I will discuss the case of Jennylyn,” sabi ni Becky.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment