Bianca, apektado pa rin ni KC Concepcion
Mang-iintriga na ang may wholesome image na TV host na si Bianca Gonzales sa bago nilang talk/variety show na Entertainment Live na ngayong hapon ang pilot airing after ng Wowowee.
Hindi naiwasang tanungin si Bianca kung willing ba siyang interbyuhin sina direk Lino Cayetano at ang babaing ipinalit sa kanya, si KC Concepcion.
“Kapag inutos sa akin, why not, trabaho ‘yun, pero siguro
I’ll be emotional siguro,” ito ang nasambit ng ex-girlfriend ni Direk Lino.
Si KC ang pinatutungkulan ni Bianca na baka maging emotional siya dahil nga for the very first time at kung papayag ang anak ni Sharon Cuneta na magpa-interview siya sa telebisyon at kay Bianca.
Hindi naman apektado si Bianca kung si Direk Lino ang iinterbyuhin niya dahil okey na sila at friends din daw.
Napabilib naman kami ni Bianca at that time dahil hindi niya itinago ang damdamin niya sa press if ever na ipagawa nga sa kanya ang one-on-one interview with KC.
Ang tanong, ganun kaya ka-sadista ang staff ng Entertainment Live para itoka kay Bianca ang pag-iinterbyu kay KC Concepcion for the sake of ratings?
Samantala, kung hindi magbabago ang plano ay may phone patch si Toni Gonzaga kay Angel Locsin all the way from London para sa update ng kanyang last week sa pag-aaral ng fashion designing at nakatakdang umuwi sa 2nd week of August.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment