Di alam kung nililigawan ba siya o hindi ni Luis
Inamin ni Mariel Rodriguez, isa sa tatlong hosts ng bagong programa ng ABSCBN na Entertainment Live, with Bianca Gonzales and Toni Gonzaga, na maaring pati silang tatlo ay mabuking sa kanilang sariling programa.
Katulad niya, handa na ba siyang aminin ang tunay na relasyon nila ni Luis Manzano?
“Tinatanong nga ako kung may relasyon kami, dahil
pumupunta siya ng taping ko, at nagdadala ng pagkain. Ang sabi ko ay hindi ko alam, hindi ko alam kung nanliligaw ba siya o hindi. Baka naman kapag sinabi kong oo ay hindi pala, ganun pala siya ka-lambing at ka-sweet sa mga babae.
“Di naman siya nagsasabi ng ‘I love you’ o kaya ay ‘I like you’ sa akin. At saka mahirap dahil friend ko yung una niyang niligawan,” pagtatapat ni Mariel.
For sure, pati silang tatlo ay maiipit dahil bilang artista ay subject din sila sa gulo at intriga ng showbiz. Kakailanganin nilang magbigay ng opinion, kahit mangahulugan na hindi ito pabor kapag ang may isyu ay isa man sa kanilang tatlo.
Veronica R. Samio
Pilipino Star Ngayon
No comments:
Post a Comment