Aug 12, 2007

Angel banta sa talents ng Kapamilya

As we write this ay dumating na sa bansa ang kontrobersyal na si Angel Locsin galing London.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayon sa kanyang equally-controversial manager na si Becky Agui-la, magpapahinga lang daw sandali si Angel at ‘yun na, pormalidad na lang ang kulang at certified Kapamilya na ito.

Well, hindi naman ka-mi nagtataka. Sa lahat ng ginawang pagsunod ng Dos sa

activities ng batang aktres, sa mga pa-nayam ng istasyon sa amang si Mr. Anghel Colmenares, kulang na lang talagang isigaw ni Angel na isa na siyang talent ng ABS-CBN!

Sa kanyang pagdating, iba’t iba naman ang ispekulasyon ng manonood. Merong natutuwa, may mga dedma lang.

Pero, karamihan ay nagtatanong kung talagang threat nga ba si Angel Locsin sa talents ng Dos?

Sa tingin namin, oo.

Dahil kung noong hindi pa dumarating si Angel ay bongga na ang publicity about her to a certain extent na parang overkill na nga kung ating titingnan, much more ngayong nan-dirito na siya?!

Komento pa ng ilang manonood: kung ang ibang artsita nga raw ng Dos ay bigla na lang na-wawalan ng trabaho, pa-ano nakasisiguro si Angel that she’d be well taken cared of by her new studio?

Well, the fact that Daddy Anghel and Ms. Becky chose to agree upon certain conditions bago uma-no sila magpirmahan ng kontrata, tiyak nang maa-lagaan si Angel.

Ito ang siniguro ng manager at ng butihing ama ni Angel.

Kung ano ang mga proyektong gagawin ng dalaga, ‘yan ang ating aabangan. Sana ay hindi lang masyadong overkill ang exposure ng dalaga, noh? Para hindi rin maumay ang tao sa kanya.

‘Yun na!
Chan-Chan Torres
People's Taliba

No comments: