Aug 12, 2007

Kahit saan kami magpunta, super-ask ang fans about Sam Milby.

Aba, malapit na niyang maging ka-level si Piolo Pascual sa rami ng mga kinikilig na girls at bading sa gwaping na Amboy na ito, huh?!
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Say ng mga fans na super crush si Sam, wala raw silang paki kung may Anne Curtis mang nali-link sa aktor at walang tigil ang balitang dyowa na ito ng binata basta type raw ta-laga nila si Sam!

Laban kayo?

Kami man, like namin si Sam. Hindi siya ‘yung tipong feeling sikat at nag-iinarte

na gaya ng iba riyan. May effort si Sam to reach-out at pinapraktis na niya ang kanyang PR sa kahit kanino.

Ito ang kulang sa mga kasamahan niya na hanggang ngayon ay napakamahal ngumiti at akala mo kung sino nang umasta!

Hay naku! Mabuti na lang at nariyan si Eric Raymundo (manager ni Sam). May nagtuturo sa kanya kung paano magkaroon ng PR at hindi maging hitod.

‘Yung iba, hindi pa man sikat, balooon na ang ulo.
Chan-Chan Torres
People's Taliba

No comments: