Aug 9, 2007

Aga at James, napagkamalang bading si Pokwang

This one can be considered for the book. Sa advanced taping ng Boy & Kris, dumating sina Pokwang, Bayani Agbayani, Nova Villa at ang kilalang hairstylist na si James Cooper.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
The topic being discussed was friendship. Magkakaibigan nga naman ang lahat

ng nabanggit na guests. Pokwang urged Aga to narrate his first impression of her. Katuwiran niya, kundi nga lang unang nakilala ni Charlene (Gonzales) si Aga, baka siya (Pokwang) ang tinutotoo ng aktor.

Pero, alam n’yo bang nu’ng una, ang akala ni Aga’y bading si Pokwang? Nag-guest ito sa dating programa nila ni Bayani, OK Fine Whatever, at binanggit ni Direk Danni Caparas (also the director of his new sitcom, That’s My Doc) na kahit ganu’n ang hitsura ni Pokwang, ’di ito matatawaran dahil seksi’t napakaganda ng legs.

“Noong una, hindi ko binabati ng halik ’yan. Nagkakilalanan lang talaga kami nang husto when we did Dubai. Ito ang masasabi ko kay Pokwang, ’di lang siya sexy at magaling na komedyante, champion pa sa pakikisama,” susog ni Aga.
Nel Alejandrino
People's Tonight

No comments: