Jul 29, 2007

Wendy, naunahan pang magkaro’n ng assignment ang PBB 2 grand winner

Marami sa mga na­ kapag-interview na kay Wendy Valdez, 3rd run­ner-up ng Pinoy Big Brother2 ang nagsasa­bing lubhang kakaiba ito sa personalidad na nakilala ng mga tele­viewers sa loob ng Ba­hay ni Kuya. Tuloy nag­kakaro’n sila ng hinala na baka lahat ng pinag­gagawa nito sa loob ay pawang scripted la­mang, bilang preparas­yon sa ginagawa niyang pag-aartista.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kung pakaiisipin eh tila may katwiran nga sila. Dahil sa inis at galit na ipinakita sa kanya ng manonood, lumabas

siyang pinaka-popular sa mga naging house­mates. At kahit masasa­bing runner-up lamang ay naunahan pa niya ma­ging ang pinaka-grand champion na ma­bigyan ng assignment. At kung anumang galit meron sa kanya ang lahat, lalo na ang media, ito ay unti-unti nang na­papalitan ng paghanga sa ilang ulit nilang paki­kipag-usap sa kanya. Lumalabas kasi na opposite ng karakter na ipinamalas niya sa loob ang babaeng unti-unti nilang nakikilala ngayon.

Sa Lunes magsisi­mula nang mapanood ang isang teleserye na sadyang ginawa para sa kanya lamang at sa ka-partner niyang si Bruce Quebral. Pinamagatang Margarita. No less than Diether Ocampo ay kinuha para bigyan siya ng suporta. At sina Rio Locsin, Elizabeth Oro­pesa. Siya rin ang ka­una-unahang artista ng ABS CBN na may tele­serye na binigyan ng tatlong direktor, sina Erick Salud, Trina Day­rit at FM Reyes.

Hindi remake ng Bur­lesk Queen ang Marga­rita na isang paglalak­bay ng isang babae sa buhay. Isang babaeng palaban, na sa murang gulang ay naranasan ang mga pagsubok sa buhay.
Veronica R. Samio
Pilipino Star Ngayon

No comments: