Jul 29, 2007

Lolit Solis: Hindi ingrata kundi traydor!

Naku ha, inuulan ako ng mga tanong tungkol sa interbyu sa akin ni Mario Dumaual ng TV Patrol dahil sa state­ment ko na hindi ingrata si Angel Locsin dahil lumipat siya sa ABS-CBN.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi ingrata ang tawag ko sa mga tao na tumatanaw ng utang na loob mula sa mga tao o TV network na tumu­long at nag-build up sa kanila para sumikat pero nag-ober da ba­kod.

Para sa akin, pu­wede pang tawagin

na traydor si Angel Locsin at ang kanyang man­ager na si Becky Agui­la dahil nakipag-nego­tiate sila sa ABS-CBN habang hindi pa tapos ang pakikipag-usap nila sa GMA 7.

Sa palagay n’yo, ano ang mas masakit pa­king­gan, ingrata o tray­dor?

* * *

Binabatikos din ako dahil sa mga diumano’y pasabog ko raw ng mga iskandalo sa buhay ni Angel. Na nagpa-abort siya, katulong ang na­nay niya at meron si­yang sex video.

Madali sa ibang tao ang mag-react kahit hindi nila narinig ang interview ko sa dzXL at ang kuwentuhan namin nina Ali Sotto at Arnold Clavio sa dzBB.

Wala akong kinum­pirma tungkol sa mga isyu na nega para kay Angel. Inisa-isa ko lang ang mga tsismis na narinig ko tungkol sa kanya.

Mga tsismis na pi­nag-uusapan sa likod ni Angel pero hindi nila maitanong sa kanya ng diretsahan.

Kung hindi totoo ang tsismis, eh di i-deny nila para magkaroon na ng closure ang mga isyu.

Never kong minaliit ang pagiging maid ng nanay ni Angel ‘noh! Naungkat lang ang kuwento tungkol sa na­nay niya dahil never na nakita ng publiko ang madir ni Angel mula nang sumikat ito.

Si Angel nga at ang kanyang kampo ang dapat sumagot kung bakit itinago niya ang kanyang ina. Ikinahihiya ba niya ang pagiging maid ng kanyang na­nay? Baka nga magpa­salamat pa ang kan­yang ina dahil hindi na siya mananatili sa back­ground. Malay natin, ma­tagal na niyang gustong lumantad dahil bilang nanay ni Angel, karapatan din niya na ma-acknowledge ‘huh!

At ‘yung tungkol sa sex video, matagal nang isyu ‘yon na napag-uusapan uli dahil wala ring closure ang kontro­bersya.

Kung may pagkaka­mali man ako, masyado akong naging vocal sa pagtatanong at pagha­hanap ng kasagutan sa mga isyu kay Angel na hindi pa niya nasasagot.

At sa mga nagma­malisya na inutusan ako ng GMA 7 para siraan si Angel, nagkakamali kayo ng akala dahil walang puwedeng mag­dikta sa akin ng dapat kong gawin at sabihin.

Katulad n’yo rin ako na sumusubaybay at nakikisawsaw sa mga hot showbiz issue na pinag-uusapan.

May mga tao talaga na malakas ang loob na manumbat na nakiki­sawsaw ako sa isyu pero hindi nila nakikita ang kanilang mga sarili na nakikisawsaw din dahil ayaw rin nilang paawat sa pagbibi­gay ng komento!

* * *

Watch n’yo mama­yang ha­pon ang Show­­biz Cen­tral dahil may ma­habang interview ang mga executive ng GMA 7 tung­kol sa pag-alis ni An­gel sa kani­lang ba­kuran.

Isa-isang sina­got ng mga Kapuso executive ang mga isyu na ibi­ni­­bintang sa kanila ng kampo ni Angel.

Ito ang unang pag­kakataon na detalya­dong sasagutin ng executive ng GMA 7 ang lahat-lahat ng isyu na may kinalaman sa biglaang pagbababu ni Angel sa network na nagbigay sa kanya ng malaking break.
Lolit Solis
Pilipino Star Ngayon

No comments: