Jul 26, 2007

That's My Doc, Aga Muhlach's return on TV

After one year ay may bagong sitcom si Aga Muhlach sa ABS-CBN, ang That’s My Doc.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sabi ni Aga kahapon sa presscon sa 9501 resto, hinintay niya munang maging available ang mga co-stars na ni-request niya sa ABS

na makasama sa bago niyang sitcom. Biro ni Aga, si Tita Nova Villa ay hinintay niya munang bumaba mula sa Tagaytay dahil palagi ito sa bahay nito roon at busy sa mga tanim nitong gulay at prutas.

Si Roderick Paulate ay nagbalak daw pumasok sa pulitika kaya hinintay niya pang makapagdesisyon.

Si Bayani Agbayani ay masyado rin daw busy at hinintay niya pang mabakante ang schedule; si Jake Cuenca ay hinintay niya munang magka-girlfriend (si Roxanne Guinoo) para inspired magtrabaho, at ang leading lady niyang si Precious Lara Quigaman ay hinintay niya pa raw makipag-break sa boyfriend nito.

Nu’ng wala pa siyang bagong regular show ay nakapagpahinga nang husto si Aga at naasikaso niya ang kanyang pagpapapayat.

"Hi, sexy!" at "Hi, yummy!" ang bati sa kanya ng press dahil ang ganda ng katawan niya ngayon.

"Masama ang loob ko ngayon, kasi, medyo tumaba ulit ako dahil sa kakakain nu’ng mag-shooting kami sa Macau, eh!" natatawang dayalog ng aktor.

Kung dati ay isa siyang veterinarian, ngayon ay pediatrician siya sa bagong sitcom na makakatapat ng bagong sitcom ni Vic Sotto sa GMA na Ful Haus.

Ayon kay Aga, hindi sila nakikipagkumpetensiya kay Vic at nagkataon lang na magkakatapat ang shows nila.

Hindi niya rin napigilang magbigay ng reaksyon tungkol sa hanggang ngayon ay mainit pa ring network war sa pagitan ng Dos at Siyete.

"We always say that the industry is dying. But I don’t understand kung bakit hindi pwedeng magsama ‘yung mga artista ng ABS at ng GMA. Bakit ‘yung pelikula ng isa ay hindi pwedeng i-promote sa kabila?

"Imagine kung pwede mong gawin ‘yon? Mas marami ang makakapanood at mas marami ang matutuwa.

"We say that we wanna help the industry, but why are we divided? How can it happen when we’re divided?

"I don’t understand it. Sometimes it’s crazy!" napapailing na bulalas ni Aga.
Allan Diones
Abante-Tonite

No comments: