Jul 26, 2007

International superstar Jet Li admires Filipino brand San Miguel Beer

"I would like to work on more future projects with San Miguel."
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ito ang binitiwang salita ni Jet Li tungkol sa bago niyang endorsement deal sa San Miguel Beer Pale Pilsen.

Dumating si Jet Li kamakailan sa bansa para sa shooting ng ‘Come Together,’

ang bagong TV commercial ng San Miguel na ipalalabas sa Asya sa susunod na buwan.

Ayon sa kampo ng martial arts superstar, hindi nag-dalawang isip si Jet Li nang aluking maging endorser dahil sa matagal nang sikat ang San Miguel Beer sa home base niyang Hong Kong.

"Nag-uumpisa pa lamang siya noon ay kilala na niya ang San Miguel Beer," ani aming source.

"Ang akala raw niya noon ay Hong Kong brand ang San Miguel Beer. Mayroon daw kasing malaking planta roon."

Hinahangaan din daw ng aktor ang San Miguel Corporation dahil kilala ito pagdating sa social development initiatives. Aktibo kasi ang aktor sa mga proyektong pangkawang-gawa. Sa katunayan, siya ay isang Red Cross Ambassador.

Kailan lamang ay itinatag niya ang Red Cross Society of China-Jet Li One Foundation Project o "One Foundation" upang makatulong sa mga batang may sakit sa pag-iisip at pati na rin sa mga biktima ng mga kalamidad.

Noong nakaraang dalaw ng Hollywood star sa Pilipinas, sinorpresa ito ng presidente at Chief Operating Officer ng San Miguel na si Mr. Ramon S. Ang sa pamamagitan ng pagbigay ng donasyon na 1M Renminbi (humigit-kumulang P6M) para sa One Foundation.

Kaya naman lalong ikinatuwa ng actor ang kanyang maikling pagbisita sa Pilipinas.

"Gustong makipagtulungan ni Jet sa San Miguel lalo na sa pagkakawang-gawa. Iyan ang dahilan kaya mananatiling bukas ang kanyang pinto sa kumpanya ano mang oras."
Abante-Tonite

No comments: