Jul 26, 2007

Famous stars of ABS-CBN, unhappy about Angel's sudden appearance on their fence?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Medyo nega na ang paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN 2, at mukhang tatagal pa ito dahil may ilang taga-ABS-CBN na kaming nakausap na medyo nega ang mga komento tungkol sa young actress.

How true na hindi welcome sa ilang mga matagal nang bida sa mga

primetime shows ng Kapamilya network ang pagpasok ni Angel sa kanilang bakuran?

Totoo kayang ayaw ng isang malaking artistang makakasama si Angel sa gagawing teleserye dahil sa title pa lang ay hindi na niya nagustuhan?

Sa title pa lang ay lumalabas na si Angel ang bida at suporta na lamang siya gayung matagal na siyang nagbibida sa mga programa ng Dos.

How true din na isang malaking artista ng Dos ang nakikipag-negotiate ngayon sa GMA 7 sa posibilidad na paglipat sa Kapuso network? Masaya ito kapag matuloy!
Abu Tilamzik
Abante-tonite

No comments: