Jul 29, 2007

Teleserye ni Jennylyn, ibinigay kay Yasmien

Para sa loyal supporters ni Angel Locsin ay mapapanood ninyo kung ano na ang latest sa kanya sa exclusive interview ng The Buzz ngayong hapon ni Europe corrres­pondent Jean Alcantara.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Samantala, sa Assumption con­vent nanirahan si Angel at bukas, Lunes ang 2nd week niya sa crash course na intro to fashion designing. At kung hindi magba­bago ang plano ay by August 9 or 10 ay balik Pilipinas na ang aktres at ready na niyang sagutin isa-isa ang lahat ng intrigang ibinabato sa kanya simula nu’ng nawala siya.

* * *

Sina Kian Kazemi, Bodie Cruz, Mickey Perz, Nel Rapiz at Gee-Ann

Abrahan ang susunod sa Love Spell episode ng mid- August after nina Sam Milby at Angelica Panga­niban na mapa­panood ngayong, Ling­go na may titulong My Soul­phone.

And speaking of Gee-Ann, hindi dapat si Mickey ang ka-love triangle nila ni Bodie kundi si Kian dahil originally, ang huli pala ang unang nanligaw sa 4th placer ng PBB2.

“Nahinto lang po nu’ng na-evict ako, pero now, itutuloy ko na,’ ito ang say sa amin ni Kian.

Kaya pala nu’ng sinabi namin kay Kian na huwag niyang ni­lalandi si Gee-Ann dahil kay Bodie na ito ay nagulat siya at biglang humingi sa amin ng bubble gum at tumahimik na, late na namin naisip na siya nga pala ang unang nagka-gusto sa da­laga.
***
Gaano katotoo na tsi­nugi na si Jennylyn Mer­cado bilang title role sa Sinenobelang Pasan Ko Ang Daigdig na pelikula noon ni Sharon Cuneta at ibinigay na ito kay Yas­mien Kurdi?

Apektado raw ngayon ang lahat ng alaga ni tita Becky Aguila dahil sa gusot niya sa GMA-7.

Pero base naman sa pali­wanag ni Yasmien sa story conference ng Ba­hay Kubo ay sa kanya na­unang in-offer ang project pero nagkaroon ng conflict at nang maayos na ay saka uli ibinalik daw sa kanya.

“Matagal na pong si­nabi sa akin ang Pa­san Ko Ang Daigdig, nagka­roon lang ng problema noon sa sked, pero nga­yong na­ayos na, okey na uli. Hindi ko po alam na in-offer din kay Jenny­lyn, sa pagka­kaalam ko kasi, ako ang unang in-offer.” paliwanag ni Yas­mien sa amin.

Samantala, ipinag­diinan sa amin ng da­lagita na hindi sila ni JC de Vera at kailangan lang daw nilang mag­pakitang kinikilig sila ay dahil sa show nila sa GMA-7.

“Tinawagan na nga po ako ng papa ko at si­nita ako kasi sa na­papanood niya, hindi po totoo at hindi kami ni JC, para lang po ‘yun sa show namin,” pag­tata­pat sa amin ng dala­gita.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon

No comments: