Jul 31, 2007

Sana hindi jinx si Maricris

Matured tingnan sa tunay niyang edad na 19, ang bagong grand winner ng Pinoy Pop Superstar na si Maricis Garcia. Lalo pa siyang nagma-ma­ture sa tipo ng music na kanyang kinakanta.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kaya nag-iisip tuloy mabuti ang GMA kung paano siya ipa-pack­age. Dasal din ni Ma­ricris na mabasag niya ang sina­sabing jinx effects ng mga na­unang cham­pions

ng nasabing con­test at nang umabante ang kan­yang career.

Aminado si Maricris na madali siyang nag-mature hindi lang sa looks kundi maging sa kanyang pananaw sa buhay. Sa edad na 15 ma­agang nasabak sa trabaho as a singer si Maricris. Nalibot na niya ang lahat ng lounge at hotel sa buong Me­tro Ma­nila lalo na ang Ca­lesa Bar kung saan si­ya may regular shows bago siya nag-try sumali sa Pinoy Pop Super­star. At ngayon ay unti-unti na si­yang nag­mamarka sa SOP sa kaka­iba niyang atake.

Bunso sa apat na mag­ka­kapatid si Mari­cris. Isang house­wife ang mommy niya at proj­­ect su­per­visor na­man ang kanyang dad­­dy sa isang con­s­truction firm.

Hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin si Maricris sa kanyang pagkapanalo. Naki­kilala na raw siya sa mall at sobrang busy na si­ya ngayon. Tu­migil siya as Tourism student sa La Con­solacion. Pangarap ni Ma­ricris maging flight stewardess na 5’ 7 ang height at bawal pang mag-bf.

In fairness, magan­da ang rehistro ni Mari­cris tuwing Linggo sa SOP number nilang “World Stars.” At tala­gang angat ang kan­yang per­formance.

“Hindi ko kaila­ngang bumirit. I just see to it, I give elegance to the songs I sing. Nag­ka­karo’n ng tatak kaya nagiging unique at sophisticated ang dating!”
Lanie B. Mate
Pilipino Star Ngayon

No comments: