Jul 31, 2007

Paglilinaw ng manager ni Angel

Marami ang nagulat sa pag­ papa-interview ni Ms. Wilma Gal­van­te sa Showbiz Cen­tral last Sun­day regarding sa pag-alis ng talent ni­lang si An­gel Loc­sin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mis­mong mga taga-GMA-7 staff ay naloka rin sa pagtatalak ng kanilang bossing dahil halatang bitter daw sa pagkawala ng aktres dahil nga prime talent nila si Angel.

Bukod kay Ms. Galvante ay nagsa­lita rin si Ms. Redgie Magno na

nalu­lungkot siya sa pag-alis ni Angel at napa­iyak pa dahil napamahal na raw sa kan­ya ang young actress na ilang taon din niyang nakasama at iti­nu­ring pang anak.

Samantala, off daw ang naging pa­nayam ni Pia Guanio (isa sa host ng SC) kay Ms. Galvante dahil ang naging takbo ng usapan ay ang pag-reveal sa mga naging pag-uusap nila ni Angel at ng manager nitong si Becky Aguila.

Say ni Ms. Galvante ay dalawang be­ses nilang tinanong si Angel kung to­toong nakikipag-negotiate na sila ni Becky sa Dos at ang sabi raw ng young actress ay hindi at hindi rin lilipat.

Ask uli ni Pia kung totoo bang isa sa mga ikinasama ng loob ni Angel ay dahil hindi sinuportahan ng net­work ang prinodyus niyang pelikula na Angels.

Ang sagot ng isa sa bigwig ng GMA-7 ay hindi raw ito totoo dahil ibinigay nga lang nila nang libre ang trailers at sila pa ang nagbigay ng P3M dahil binaya­ran nila ang TV rights ng nasabing peli­kula.

Dagdag pa ng bossing na tina­nong nila si Becky kung bakit ayaw nitong pumirma ulit sa GMA Artist at ang ikina­twiran daw ng manager ni Angel ay open contract ang gusto para masolo na lang ang kontrata at komisyon.

Updated si Tita Becky sa panayam kay Ms. Galvante at nagulat siya sa par­teng sinabi nito na hindi pinaba­yaran ng network ang mga trailers ng Angels na umere sa Siete.

“Si Orly Ilacad (of OctoArts Films) ang kausap ni Wilma tungkol diyan. Si Orly na kasi ang namahala ng lahat ng pagbebenta ng video and TV/cable rights, siya ‘yung parang naging agent ko since nag-abono siya for the movie. Siya ‘yung nag­bayad ng Kodak stocks, distributor’s fee and checker’s fee.

“Ibinenta ni Orly ang TV/cable rights sa GMA-7 for P3M. ‘Yung P1.5M went to TV plug for Angels, 17 TV spots ‘yun na mixed 15 and 30-sec­onder. ‘Yung P1.5M ang cash na ma­pupunta kay Orly. Actually, hindi ko nga alam kung naibi­gay na kay Orly ang P1.5M ng GMA dahil hindi na kami nagkausap ni Orly. You can ask Orly naman about that.

“So, the trailers were not free,” pagdi­diin pa ng manager ni Angel.

At sa isyung nego­sas­ yon with ABS-CBN, ang sinabi lang nila ay hindi totoo dahil that time, wala pa naman daw talaga.

“Pero sa meeting na­min, walang sinabi si An­gel na ‘hindi po ako lili­pat’,” diin uli ng man­ager.

Samantala, mis­mong taga-GMA-7 ang nag­sabi sa akin ng, “Kaya mega-ex­plain sa TV si Wilma Gal­vante dahil under fire siya sa GMA-7. Galit na galit daw si FLG at kuma­kalat na rin sa com­pound na si Annette Gozon-Ab­ro­gar na ang magti-take-over sa enter­tainment division ng Siete.

Bukas ang pahinang ito for any reactions for GMA.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon

No comments: