Jul 10, 2007

Richard Gutierrez and Dingdong Dantes to co-star in a film



Nakatakdang magsama sa isang pelikula ng GMA Films ang top matinee idols ng GMA-7 na sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

Kinumpirma ito ni Richard nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday night, July 7, sa Conspiracy bar on Visayas Avenue, Quezon City, during his official launch bilang spokesperson ng environmental group na Greenpeace here in the Philippines.

According to Richard, isang horror movie ang gagawin nila ni Dingdong to be directed by multi-awarded director Chito Roño.

“I’m excited!” bulalas ni Richard. “Siyempre, Chito Roño ‘yon, di ba? Wow! Kumbaga, he’s like a living legend,” papuri niya sa direktor ng blockbuster horror flicks like Feng Shui and Sukob.

Excited din si Richard that he’ll be working for the first time with Dingdong. Naalala niya na may short fight scenes sila together in Mulawin The Movie (2005) wherein nag-merge ang story ng Mulawin at Encantadia na parehong hit fantasy series ng GMA-7.

Dingdong was part of Encantadia as the warrior king Ybarro/Ybrahim while Richard was the main star of Mulawin as the winged hero Aguiluz.

Richard told PEP na na-inform na siya about the project but no details yet kung anong title nito, story, at sinu-sino ang bubuo sa cast. Ang alam daw niya ay silang dalawa ni Dingdong ang bida at may dalawa silang girls na makakasama.

Wala pa ring definite date as to when they would start the movie, pero ngayon pa lang ay looking forward na rito si Richard.

Unang narinig ng PEP ang naturang project from Dingdong, who mentioned in his solo press con for the movie Angels recently na may nilulutong pelikula ang GMA Films for him and Richard.

Wala pa ring mai-share na detalye that time si Dingdong, ang nabanggit niya lang ay it’s gonna be a horror flick with Chito as director.

ANGEL LOCSIN. Samantala, kinumpirma rin ni Richard ang ibinalita ng PEP na dinalaw siya ni Angel Locsin sa taping ng Lupin last Wednesday, July 4, before Angel left for the States to attend the US screenings of Angels.

“Oo, dumaan siya sa set namin, na-surprise nga ako, e!” nakangiting sabi ng heartthrob. “Na-touch kaming lahat na kami ‘yung last stop niya before she left. Nakakatuwa lang na dumaan si Angel at nagpaalam sa amin.

“But it was really just a light moment. It wasn’t like a formal goodbye or whatever. Light lang, kuwentuhan lang, catch up on things, ganu’n lang,” paglilinaw niya.

Na-miss daw ba siya ni Angel kaya siya dinalaw nito sa set?

“Ayoko namang sabihin ‘yon, di ba?” tawa niya. “Actually, hindi lang naman siya sa akin nagpaalam. It was more like for everyone… To my director in Lupin, si Direk Mike [Tuviera], close din kasi si Angel kay Direk Mike and to our executive producer. So, it was more for everyone. I don’t wanna take the credit for it.”

Kasunod nito ay itinanggi rin ni Richard ang isyung may movie project na ino-offer sa kanya si Angel for her own film company Eagle Eye Productions. They didn’t talk daw anything about work at talagang light lang ang naging pag-uusap nila.

LUPIN. By the way, tonight ang start ng lipat-timeslot ng Lupin, na mapapanood na pagkatapos ng Mga Mata ni Anghelita sa GMA Telebabad, taking over the former timeslot of Impostora.

Paliwanag ng star ng Lupin, “It has nothing to do with the ratings. We’re doing good and we’re very happy with our timeslot.

“Actually, ‘yung timeslot ng Lupin na late night, first time na it became number one for a long time. So, we’re very happy with it, pero meron kaming mga concerns. According to studies and surveys kasi, ni-launch ang Lupin, summer break. So, the kids were able to watch it all the time.

“Pero ngayon, may pasok na sila sa school kaya masyado nang late para sa mga bata. Pati mismo ‘yung mga kakilala ko, minsan tulog na o minsan ayaw na nilang payagan ‘yung mga anak nila na manood.

“At saka kung medyo adult at sexy dati ‘yung show namin, ngayon, gagawin naming more for kids. It’s surprising nga, kasi ang crowd ng Lupin, e, for all ages.

“May matanda, may bata, may lalake, may babae. It’s for everyone. So, susubukan ng GMA kung mas magiging effective kami sa timeslot na ‘yon and I believe it’s gonna be effective,” confident na pahayag ni Richard.
Source

No comments: