Jul 12, 2007

Regine, galit kay Pia!


Isang source ang nagbulong na hang­gang ngayon daw ay ‘ga­lit’ pa rin si Regine Ve­lasquez kay Pia Gua­nio kaya ayaw ni­tong mag-guest ng live sa Showbiz Cen­tral. Nag-start ang sup­posedly galit ni Regine kay Pia nang mag-guest siya para i-pro­mote ang pelikula noon nila ni Pio­lo Pas­cual na Pa­ano Kita Iibigin kung saan na-mention ni Pia ang tungkol sa kanila ni Ogie Alcasid eh prior to the airing daw ng inter­view, parang nagsabi si Re­gine na ayaw niyang pag-usapan si Ogie Al­casid. Ang kaso na­ta­nong pa rin si Re­gine in passing kaya after the in­terview, nag­karo’n ng issue na nag-walk out daw ang Asia’s Song­bird.

Up to now kahit na inamin na sa buong mundo nina Regine at Ogie ang kanilang love for each other, balitang ayaw pa rin nitong mag-guest muna sa Show­biz Central.

Ang issue: hindi kaya galit lang talaga si Regine kay Pia dahil there was a time na naging open si Ogie sa admiration niya kay Pia Guanio? Naging vocal noon si Ogie sa pag­sasabing crush niya si Pia. Eh that time pala, sila na ni Regine.

May jealous factor ito samantalang may Vic Sotto na naman si Pia para magselos pa si Regine.

Salve V. Asis
Pilipino Star Ngayon

No comments: