Jul 12, 2007

Korina, ginamit sa scam!


Ayon sa aming ma­pag­kakatiwalaang source na nakilahok-na­muhunan din sa isyung tinutukan nga­yon ng mga otoridad, ang Fran­c­­swiss scam, ay magti­gil-tigil na raw ang mga artista diyan na naghu­hugas kamay sa pagsa­sabing hindi sila naloko dahil na­kabawi naman sila sa puhunang ipina­sok nila sa Francswiss.

“Tantanan na nila ako, tigilan na nila ang pagsasabing hindi sila natalo, dahil lahat kami, naloko!” sabi ng aming impormante.

May dalawang ar­tis­tang nagpasok ng tig­dadalawampung libong dolyar sa Francswiss, ta­­la­gang nakilahok sila sa malakihang ne­gos­yo dahil sa sobrang pag­ka­engganyo sa malaking halagang ti­nutubo ng kanilang ka­pital na maliit lang nung una.

Ang kalakaran pala ay $45 ang tinutubo ng bawat isang libong dol­yar na ipapasok mo bi­lang puhunan sa Fran­c­swiss, kung dala­wam­pung libong dolyar ang ipinasok ng dalawang ar­tista sa naturang ne­gosyo, araw-araw ay ku­­mikita nang $900 dollars ang kanilang pu­hunan.

Mahigit na apatna­pung libong piso kada araw ang ibig sabihin nun sa ating pera, kaya ang maliit na puhunan lang nung una ay di­nagdagan pa nila, hang­gang sa mag­pa­sok pa sila ng downline.

“Kapag ikaw ang na­kapag-recruit, may 10% ka mula dun, kaya para makakuha sila ng ga­nung komisyon, nag­­pasok pa sila ng isang kapamilya nila para sila na rin ang makakuha ng 10% na commis­sion,” pahayag pa ng aming source.

Nawindang ang da­lawang personalidad nang sumabog ang isyu tungkol sa Franc­swiss investment scam, pa­ano na ang kanilang pu­hunan, sino na ang ka­nilang hahabulin nga­yon?

Ang kilala lang nila ay ang katransaksyon nila dito sa Pilipinas at hindi ang nakakatran­saksyon ng kanilang kontak sa internet, sino ngayon ang kanilang hahabulin sa malaking halagang natalo sa kanila?

“Hindi ako nasaktan sa ipinuhunan ko, dahil from day one pa lang ng transaksyon, inila­gay ko na sa utak ko na isang sugal ito. Sa su­gal, may nana­nalo at na­tatalo, kaya ang ini­sip ko na lang noon, en­joy the commission while it last,” sabi ng aming im­pormante.

Pati ang pangalan ni Korina Sanchez ay lumutang na rin nga­yon sa naturang scam, ayon sa isang ahente ng NBI na pi­nagsum­bu­ngan ng ilang kaba­bayan nating natakbu­han, ginagawa raw pang-engganyo ng mga nakakausap ni­lang up­line ang pa­ngalan ng anchor­woman tungkol sa Francswiss.

Naisip siguro ng mga ito, kung ang isang palaban at mata­pang na news­caster na tulad ni Korina ay naeng­gan­yong mamu­hunan sa Francswiss, papasok na rin ang mga ito dahil may isang matibay na pader na maaaring mag­tanggol sa kanila kapag may naganap na ano­malya.

Pero nagpalabas na ng opisyal na pahayag si Korina tungkol sa isyu, ayon sa anchor­woman ay ginagamit lang ng Francswiss ang kan­yang pangalan pa­ra makapag-engganyo ng mga mamumu­hu­nan ang kumpanya, ibig sa­bihi’y hindi ito konektado sa Franc­swiss pero hindi naman nilinaw ng broad­caster kung na­ging bik­tima rin siya ng invest­ment scam.

Malalaman natin ang kanyang posisyon sa kanyang pagbabalik sa bansa mula sa Ame­rika, kailangang mali­na­wan ang kontro­ber­siyang ito, bago pa uma­bot sa kung saan-saan ang istorya.

Kung bakit naman kasi meron pa ring na­niniwala sa mala­laking halagang naka­drowing lang naman, meron ba namang ne­gosyong ma­tutulog ka lang nang mag­damag nang hindi ka naman nagtatra­baho ay kikita na nang ganun kalaki, isang malaking pana­ginip lang ang ganun.

Pansamantala lang na tulad ng panaginip, dahil kapag nagising na tayo sa katotohanan ay mapapatunayan na­tin na isang malaking scam lang naman pala ang lahat, ni hindi natin alam kung sino ang ating hahabulin dahil makina lang naman ang ating nakatran­saksyon.
SHOWBIZ MISMO! Ni Cristy Fermin
Pilipino Star Ngayon

No comments: