Rason ng paglipat ni Angel mababaw
“BURNED out at pagod na pagod na” ang deskrip-syon ni Becky Aguila, ma-nager ni Angel Locsin, sa desisyon ng alaga niyang mag-ober da bakod sa ABS-CBN.
Ayon kay Becky, tatlo silang nagdesisyon sa paglipat ni Angel sa kalabang TV station ng GMA Network, ang istasyong sumugal sa kanya for so long a time. Panahon pa ito nu’ng wala pang ningning ang kanyang bituin.
Kung hindi kami nag-kakamali, galing din na-man si Angel sa ABS-CBN. Dahil plain-looking (sad to say) lang naman talaga siya, hindi siya nabigyan ng chance ng Dos to shine and prove her worth as an actress.
Kaya inilipat na lang ni Becky ang alaga niya sa GMA-7.
Dito na namayagpag ang pangalan ni Angel. Na nakitaan naman ng mi-na ng ginto ng Kapuso Network.
Nonetheless, maliban kina Angel at Becky, kasama rin daw sa nagdesisyon ang tatay ng aktres na si Angel Colmenares.
Inaakala siguro ni Mr. Colmenares (sorry to say) na sa paglipat ng kanyang anak sa ABS-CBN ay hindi ito mabu-burn out, hindi ito mapapagod.
Baka nga naman puma-yag ang ABS-CBN sa kon-disyon nilang uupo lang si Angel and presto, tatanggap na ng sahod sa network.
Hindi na magtatrabaho. Hindi na rin magpupuyat sa taping. At ang salaping dadaan sa kanyang mga palad ay hindi na paghihirapan at pagtatrabauhan.
Naguguluhan lang kami sa mga dahilan ng kampo ni Angel. Bakit hindi na lang sabihin ang tunay na rason why they opted to transfer to ABS-CBN?
Para kasi sa amin, ang babaw na dahilan nito. Kung talagang pagod na pagod na at burned-out na, huminto na lang si Angel sa pag-aartista.
That way, hindi na siya mapapagod at hindi na rin siya mabu-burn-out. In short, matatahimik na ang buhay niya at makakapagpahinga na siya nang hus-to.
Pero, one thing is sure na sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN ay magtatrabaho pa rin naman siya. Hindi naman siguro ‘tanga’ ang Star Network na tatanggap na lang si Angel nang sahod na hindi paghihirapan nito.
Ang fear namin ay baka ma-burn-out at mapagod din siya tulad ng nangyari sa kanya sa Siyete.
Lito Mañago
People's Taliba
No comments:
Post a Comment