Jul 25, 2007

Karylle works hard for Cinemalaya film entry 'Ligaw Liham'

NAG-EFFORT talaga si Karylle para i-text ang ilang kaibigang press na dumating sa world premiere ng first ever niyang digital film titled Ligaw Liham na kasalukuyang napapanood sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa ginaganap na 3rd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Maliban sa pagiging aktres sa naturang indie film, isa rin siya sa producers nito. Inako pa rin niya ang pagiging marketing head ng Ligaw Liham kaya sa opening night nito, busog ang mga dumalong bisita bago pumasok sa main theatre ng CCP kung saan ginanap ang world premiere ng pelikula.

Naging abala nga ang girlfriend ni Dingdong Dantes sa pagtanggap ng bisita. Sa lobby ng theatre, sinasalubong ni Karylle ang dumagsang moviegoers at indie lovers and supporters.

Sold-out ang tickets sa unang gabi ng pagtatanghal ng Ligaw Liham kaya umaasa si Karylle na sana ay magtuluy-tuloy ito.

Hindi naman nakarating si Dingdong sa world premiere ng pelikula.

May trabaho raw, sabi pa ng panganay na anak ni Zsa Zsa Padilla, pero nangako naman daw sa kanya ang boyfriend na manonood ng pelikula sa mga susunod na araw.

Nasa out-of-town location si Dingdong para sa bagong serye nitong Marimar with Marian Rivera bilang Thalia. Kaya naintindihan ni Karylle ang sitwasyon ng boyfriend.

Magkasama namang dumating ang magsing-irog na sina Iza Calzado (isa sa mga aktres ng Ouija along with Judy Ann Santos, Rhian Ramos at Jolina Magdangal) at Gerry Garcia bilang suporta kay Karylle.

Naging magbespren sina Iza at Karylle nu’ng panahong ginagawa nila ang Encantadia ng GMA Network.

Nakita rin namin ang kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez.

Mukhang nagkakainteres na rin si Raymond sa indie films.

Sa kabuuan, enjoy naman kami sa pelikula ni Karylle.

Wish lang sana namin na mabigyan pa siya ng magagandang papel sa mga susunod niyang indie films, an indie role na magpapakita ng ibayong kakayahan niya bilang isang aktres.
Photos grabbed from Karylle's multiply.
Lito MaƱago
People's Taliba

No comments: