Pinoy directors, naimpluwensiya si Tarantino
Nag-surf kami sa Internet nang malamang ang famous film director, actor at screenwriter na si Quentin Tarantino ang special guest sa Cinemanila International Film Festival na tatakbo mula August 8-19 sa Gateway Mall Cineplex.
Kilala lang namin siyang director sa napanood naming From Dusk Till Dawn, Pulp Fiction at Kill Bill 1 and 2.
Darating si Tarantino sa August 8 at sa August 11,
may afternoon with Tarantino at meet the press at 4 p.m., dubbed as Grindhouse Day, title rin ng bago niyang pelikula.
Magbibigay din siya ng special Directing Workshop at tatanggap ng Lifetime Achievement Award.
Hopefully, magkita sina Tarantino at directors Eddie Romero, Cirio Santiago at Eddie Garcia, na sabi ni Direk Tikoy Aguiluz, kasama si Gerry de Leon, ay four Filipino filmmakers na naka-influence kay Tarantino bilang filmmaker.
Pinanood nito ang movies ng apat noong bata pa siya at ang pagdating niya sa bansa ay payback time.
“He feels he has a debt of gratitude to Philippine cinema. He’ll help push the festival. He’s the icon of the young cineaste, because he speaks their language,” ayon kay direk Tikoy.
Ang theme ng Cinemanila ngayon ay Global Pinoy Cinema: Kuwentong Pilipino Para sa Mundo.
One hundred films from 40 countries ang mapapanood, kabilang ang Irina Palm, isang Belgian movie, na sabi ni Direk Tikoy ay mala-Maryang Palad.
Ipalalabas din ang gay at X-rated movie ng Korea na No Regret at ang Volver ni Pedro Almovodar.
Nitz Miralles
People's Tonight
No comments:
Post a Comment